"Babalik ka na sa serbisyo?"
"Yes, pa."
Tumigil siya sa pagpupunas ng kotse tsaka niya ako hinarap. Nababasa ko ang tuwa sa mga mata niya. Pinag-isipan ko itong mabuti. Nagsasawa na akong magpakain sa lungkot. "Kailangan mo ba ng tulong? Tatawag ako sa kakilala ko sa ahensya."
Kinuha ko ang balde na nakaharang sa daan. Tinulongan ko siyang tapusin ang pagpupunas ng kotse. "Hindi na Pa. Kaya ko na."
Bahagya siyang sumandal sa kotse. Matagal niya akong tinignan. "Sa rescue ka pa rin?"
Umiling ako. I wasn't ready for that big jump. I want to take baby steps. "Hindi ko pa kaya papa."
"Anong plano mo? Office work?"
"Aid responder."
I am qualified. I was a Nurse before I applied sa PNP and later became member of the special rescue force.
I was nervous meeting my superior. Pumunta ako sa opisina para makiusap kung pwede niya ulit akong tanggapin sa team pero hindi na bilang rescuer kundi bilang aid responder.
Chief Milandro Macaspac was too happy to see me. Sinalubong niya ako ng yakap. He's not only my superior kundi ninong ko rin siya, he is my late mother's childhood friend. Ang biro pa nga niya noon kung hindi lang sundalo ang tipo ni Mama ay baka siya na ang naging tatay ko.
"Babalik ka na? Ang tagal kong nag-intay ng tawag mo."
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. I went AWOL after the incident. He was too kind to apply a leave for me. It's been years now.
"Kung pwede po sana ninong sa ambulance nalang ako. Hindi pa talaga ako handa para sumabak ngayon."
"Alam mo the minute na tumawag ka sa akin para makipagkita naisip ko na 'yan. I wouldn't push you kahit na alam natin pareho na ikaw ang paborito kong rescuer. You were a true negotiator, Clezl."
Binuksan niya ang drawer tsaka binigay sa akin ang puting envelope. Tinignan ko kaagad 'yon at binasa ang nilalaman. "Kontrata mo 'yan. Kailangan din talaga namin ng Nurse ngayon sa responder mobile. We hire a new doctor, pirmahan mo lang 'yan and you will meet the other new hires later. Tatawagan ko si Castillo na isali ka sa orientation."
Wala akong sinayang na oras. Pinirmahan ko kaagad ang kontrata. Hindi na ako umuwi pa sa bahay. Naghintay ako sa meeting room para sa orientation ng new hires.
I just eat burger for lunch. Maya-maya ay dumating na rin ang dalawa pang nurse, they're much younger than I am duda ko ay newly passed sa board exam.
"Hello ate, nurse ka rin po or doctor?" Magalang na tanong ni Therese; she is petite, chubby tapos mahaba ang buhok.
"Nurse."
"Para ka pong model. Ang tangkad mo," sabat naman ni Gwen; matangkad lang siya ng kaonti kay Therese, hanggang balikat lang ang haba ng buhok niya at may pagkamadaldal siya.
They keep on complimenting me. Nagtanong na rin sila kung bakit naisipan kong sa agency mag-apply at hindi sa hospital. They're both nosy young ladies, nang malaman ko na kapwa sila 20 years old parang sinampal ako na matanda na pala talaga ako. I am already 28, single and barely sane.
Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa nang pumasok si Joshua Castillo, magkasama kami sa rescue team noon but he also encounter an accident that cause him his leg, kaya ngayon nasa hiring office na siya. He's responsible with briefing and orientation.
Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang itsura ng doctor na nakasunod sa kanya. He's the same doctor na nakasabay ko sa elevator ng condo ni Desmond noong nakaraan.
"Oh," sambit niya na parang nagulat siya na makita rin ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay. He has this bright aura all over him, he's too friendly for me.
"Nagsusungit na naman," parinig niya sa akin bago niya hinila ang upuan sa tabi ko.
Napapikit ako. Kinalma ko ang sarili ko. I'll be working with him kaya mas mainam na wala kaming conflict sa isa't isa.
Binigay lang sa amin ni Joshua ang guide tsaka niya pinakilala ang antipatikong Doctor.
"I'm Philip Urbano," ikling pakilala niya lang sa sarili matapos naming magpakilala nina Gwen at Therese.
Nang magsalubong ang tingin namin kinindatan niya ako, ang hangin talaga.
Hapon na natapos ang orientation kaya deretso uwi na ako. Tawag ng tawag sa akin si Desmond pero hindi ko na pinansin pa. Maaga akong nagpahinga dahil kinabukasan ay magsisimula na ang trabaho ko.
Hapon ang pasok ko at buong magdamag ang shift ko kaya nang maaga akong nagising ay naglinis muna ako ng kwarto, pagkatapos ay bumaba ako para kumain at umakyat ulit para matulog.
Nang magising ulit ako ay tanghalian na. Naligo na ako at nakabihis bago bumaba para naman handa na akong umalis.
Pababa palang ako sa hagdan nang makita kong may kausap si Papa sa labas, nahaharang niya ang kausap kaya hindi ko na makita. Nagkibit balikat lang ako at dumeretso sa kusina.
"Ah nakababa ka na pala." Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain nang pumasok si Papa sa kusina.
"Opo. Kakain lang ako tapos aalis na rin para sa trabaho."
Hinila niya ang upuan sa harap ko tsaka siya naupo. "Kilala mo ba iyong Desmond?"
Muntik ko nang mabuga ang pagkain na ngininguya ko. Taranta kong inabot ang baso at napainom ng tubig. Paano nakilala ni Papa ang lalaking 'yon? May alam ba siya sa pinaggagawa ko?
"Kilala mo nga." Sa ngayon ay hindi na siya nagtatanong, nakumpirma na niya sa naging reaksyon ko.
Eksaherada akong napalunok at muling uminom ng tubig. Tumikhim muna ako bago magsalita. "Paano niyo naman po siya nakilala, Pa?" relax man ang boses ko pero sa loob ko kinakabahan na ako.
Papa is a cool father. Nang ipakilala ko sa kanya si James ay madali lang sa kanyang tanggapin na may boyfriend ako but I don't know how will he react kapag nalaman niya ang sitwasyon ko kay Desmond. Hindi naman kasi nakakatuwa ang ginagawa ko, hindi normal.
"Pumunta siya rito."
Nahigit ko ang paghinga ko. Nababaliw na ba siya? Nangangati akong tumayo para tawagan siya pero hindi ako makawala sa mapanuring titig ni Papa.
"Boyfriend mo ba 'yon?"
"Po? Hindi po!" Tanggi ko. Hindi pa rin niya inaalis ang pangingilatis niya tingin sa akin. "Kasama ko lang po sa trabaho. Baka may kailangan lang," pagsisinungalin ko.
"Clezl..." Malamig na sambit ni Papa sa pangalan ko na may halong pagbabanta. "Magiging masaya ako kung bubuksan mo ulit ang puso mo na magmahal ng iba pero ang lalaking 'yon na pumunta rito kanina ay hindi ko gusto. Amoy alak at tunog wala sa sarili."
Bumaba ang tingin ko sa plato ko. Nasasarapan pa ako kanina sa tortang talong na niluto ni Papa pero ngayon parang nawalan na ako ng gana.
I and Desmond is no more than bed warmers to each other. It is clear to me that we will never happen. And being with him almost everyday made me realize few things, he is unstable, too loose; he's like a rabid animal. He isn't the type of man I will bring home para ipakilala sa tatay at kapatid ko.
Papa warned me about Desmond and men his kind. Matanda na ako para pagsabihan, alam ko na ang ginagawa ko. Pasok sa isang tenga labas sa kabila nalang ang mga salita niya.
I shouldn't be affected pero hindi ko napigilan na tawagan si Desmond at komprontahin. He will ruin everything kapag inulit niya pang magpakita sa tatay ko.
"Why you're so mad? I was just worried kasi you're not responding to my texts," paliwanag niya. He has work when I called him pero nagawa niya pang pumunta sa station pagkatapos para linawin ang lahat.
Namewang ako paharap sa kanya. Lumingon ako sa pinto ng station para masigurong walang nakikinig sa amin. "Dapat hindi mo na ginawa!" gigil na pabulong na asik ko sa kanya.
"Why not?" Panunubok niya.
Napahilot ako sa sintido ko. Dad is really right, wala talaga si Desmond sa sarili niya. Everytime I point out something to him parang ang hirap niyang makaintindi.
He has set of rules to everything. Sarili niya lang ang sinusunod niya.
Inabot niya ang balikat ko. Mas matangkad siya sa akin ng isang talampakan kaya napatingala ako sa mukha niya. He's not wearing his dark aviator kaya nagkasalubong ang mga mata namin.
I am upset with what he did but I couldn't help but appreciate his blue eyes that matches his pale skin. Ang linis ng mukha niya ngayon hindi kagaya ng mga nakaraang araw na hinahayaan niya lang ang facial hair niyang tumubo. His red thick lips is more shown without his beard.
"I don't see anything wrong with what I did. Malay ko ba kung napano ka? You went home days ago na hindi na naman nagsasabi. I texted and called you, but no response. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?"
His musk scent travel through my nostrils. Hay nako! Clezl, pull your s**t together! Huwag kang magpadala!
"Don't do it again," mahinahon ko nalang na sabi. I always feel tired explaining to him. Dapat nga escape ko siya eh but he's stressing me out lately kung paano niya ako pakitungohan.
His caring ass is unnecessary; dangerous... Atleast for me.
"Then magpaalam ka, hindi 'yang nawawala ka nalang bigla." He said the words like he is hurt.. like it's more than just me not responding to his texts.. I feel like there's more of it. Fear maybe?
"Oo na," suko ko. Hinila ko ang kwelyo ng damit niya papunta sa kotse niya na nakaharang pa nga sa daan. "Umalis ka na. May trabaho pa tayo parehas."
Bago ko pa siya matalikuran ay hinawakan niya ang siko ko. I became so thin on his palm. He's like a giant.. fragile giant. "Anong oras matatapos trabaho mo?"
"6 am."
"Dumaan ka sa condo. Let's have breakfast." It isn't a request. It is a demand. Tumango nalang ako. Ayaw ko ng makipagtalo.
Hinaplos niya ang braso ko. Nanayo ang balahibo ko sa batok sa simple niyang galaw na iyon. "Reserve some energy for me."