"WHAT do you think, bro? Okay lang kaya kay Ava kung ligawan ko si... Belle?" "Belle?" nagtatakang tanong ni Marco. Napakagat ko ang ibabang labi at naalalang iba ang pagkakakilanlan ni Belle sa panaginigip ko at Belle nila. "I mean... Laarni. Iyong... maid of honor ni Ava noong kasal ninyo." Kung kaninang nagpang-abot ang kilay niya sa gulat, mas lalong lumukot ang noo ng kapatid ko dahil sa aking inilahad. "Teka... how did you know Laarni. I know that you met-" "Bro, I love her. I love her and I already met her, remember?" He raised his one eyebrow and shook his head in disbelief. "You are crazy!" "Bro! I dreamed! I dreamed about her and... it's real!" "Stop it, Jonathan! Hindi totoo ang panaginip mo. Maybe you already met Belle but... it was too far from what you are expecti

