BELLE THE sound of our metal gate added different melancholy to my sentiment. Tuwing binubuksan ko ang gate ay naaalala ko lang ang unang dating ni Sool dito. Mas nalulungkot lang ako at nami-miss siya. Kung pwede lang sanang sa pader dumaan para 'di ko maisip si Sool ay ginawa ko na. Iyong tipong, kapagod umuwi dahil alam mong mag-iisa ka na naman. Hinay-hinay kong isinirado ang gate. Sumulyap pa ako baka sumunod ang isa at magbago ang isip. "Baliw ka, Belle. Aasa ka na susunod siya rito? Hindi ka nga niya maalala, address mo pa kaya?" pang-aasar ko sa sarili. Natawa na lang ako sa naiisip ko. Nasasaktan ako pero kaunting tiis lang. Hindi naman 'to sa pagiging martyr pero parang ganoon na nga. "Pagmamahal 'to," kumbinsi ko sa sarili. I inserted the key to the doorknob. Nang pi

