Mabigat ang talukap ng aking mga mata. Gusto kong ibuka ito pero parang ang hirap. Para bang ilang araw akong nakahiga sa kama. "Gising na yata ang gago!" narinig kong sabi ng pamilyar na boses. Parang si Ronel. Lord! Kung nasa langit ako, bakit nandito ang ugok na 'to? "Ssshhh!" someone hushed him. "Jonathan? Brad?" Boses ni Joshua 'to. "Nathan?" Pati si Fiona ay nandito rin? Patay na ba kami? Basta ang naaalala ko - ang kasal, ang sagutan namin ni Belle at ang truck! I tried to open my eyes at nakita kong nakadungaw ang tatlo sa harapan ko. Bakit naka-civilian sila? Dapat ay nakaputi at mukhang mga anghel? Dress down ba ang langit ngayon? Wala na bang uniform basis? "Nasa purgatoryo pa ba tayo?" Nagsinghapan ang tatlo. May problema ba sa tanong ko? Hindi naman siguro ag

