Nakausap ko ang doktor ngayong umaga. I am okay already. Next week ay pwede na raw akong makauwi. Basta patuloy lang ang gamot at daily check-up. "Bakit hindi mo ako tinawagan?" nakapameywang na tanong ni Mom habang binabalatan ang mansanas. Nakatayo siya sa tabi ng aking kama. "Okay lang naman, My. At saka, mas nakatulog ako nang maayos 'pag walang kasama," tugon ko sabay kagat sa kalahating mansanas na nailapag na niya sa plato. Mom stopped from peeling and stared at me. Ano'ng problema niya? "A-anong tingin 'yan, Mommy?" kunot-noong tanong ko. Kilala ko kasi ang tingin niyang iyon kaya nakakaduda kung ano ang nasa isip niya. "Hindi ka pinatulog ni... Belle?" Tunog intriga ang tono ng boses niya kaya nagulat ako saglit. "What do you mean?" Pati ako ay naguguluhan na rin. Ngu

