Kabanata Six

1113 Words
MARCO was devastated. Ang laki ng disgrasyang nangyari sa construction site ng isang project niya. Sampung construction workers ang kailangang manatali sa hospital, ang iba ay may konting sugat lang. Pasalamat na lang at walang namatay. "He's here," narinig kong sabi ng isang kasapi sa board.  Marco clenched his jaw and looked at me sharply. Pinapaikot pa niya ang ballpen sa mga daliri.  Ang cool tignan ng ginawa niya. Umupo ako sa tabi ng isang miyembro. Nakakakaba rin pala. Mga mukhang matalino ang mga kaharap ko at seryoso pa ang mga hitsura.  I smiled at them, pero walang gumanti ng ngiti.  Okay. Poker face mode activated!  Nakakangalay rin ang palaging sumimangot. I opened my mouth and did my mouth exercise. My jaw, as well as my teeth were clamping and a sound from my mouth caught their attention. Napatingin silang lahat sa akin.  I stopped. Marco gazed at me ferociously.  "Alright, we have decided, Engineer," a man in a suit said. Para itong si James Bond sa buhok. Hapit na hapit! Umayos ng upo si Marco at ako na rin. Nakikigaya ng pagiging pormal.  "We have decided that..." He trailed off and said, "Jonathan Montefalco will be the temporary CEO of the company." "What?" bulalas ni Marco.  "No!" giit pa ng aking kapatid. "Engineer, you have to understand. Malaki ang trahedya. This is your responsibility. Kung mapapatunayan mo na lahat ng ito ay inside job lang at hindi mo kapabayaan, we can put you back to your position," paliwanag ng isang miyembro na kamukha ni Mr. Bean. Nunal na lang sa may gilid ng ilong ang kulang at siya na nga. "This is insane! How can he manage the company? He has no experience. I recommend Rhemuel than him." Ouch! Grabe siya. Napangiwi ako sa sinabi ni Marco. "We can not consider Rhemuel here. We all know that the name on Montefalco's portal was under to his son. Rhezzio is only three months old. How can he manage the company?" Mr. Bean lookalike sounded so sarcastic.  Montefalco's Portal is a family website where all the bloodline of Montefalco, entailing their family big business called Montefalco Dynasty are enlisted in the said site.  This portal also an access to bank sections and shares of the family business income. Well, this business is very related to construction project- international project to be precised. So, let's go back to Marco. Ayon. Nakabusangot na s'ya. Wala siyang nagawa kundi sundin ang desisyon ng mga board members.  Gustuhin ko mang promotesta rin dahil alam ko sa sarili na hindi pa ako handa. But the situation triggered me. If I would refuse, Marco would think that I couldn't make it. So, magmamagaling na muna ako ngayon.  I called also Kuya Tristan to help Marco. Magaling siya na abogado kaya alam kong masusolusyonan niya ang problema sa kompanya at baka, daan na rin ito para maging okay sila.  # "MOM! Stop calling, okay?" I said when my mother phoned me.  She giggled on the other line. "I heard the good news, tesoro². So kailan ang balik ko riyan para makaupo ulit ako, but as the mother of the new CEO?" Anong new CEO? Temporary lang 'to. At saan ba niya nasagap ang balita? Hay!  I saw Marco going to my place kaya't agad ko ng pinatayan ang nagsasalitang si Mommy. Tatawagan ko na lang siya mamaya.  "Nathan!" tawag ng masungit ko na kapatid. Parang kulog ang boses ni Marco. Nakakasindak.  "Big bro!" masiglang bati ko kahit ang totoo ay nanginginig ako sa takot. Pero deadma ni Marco.  Pinamulsahan pa ako't seryoso na hinarap.  "First day of work, Nathan. I want you to be productive. My secretary, Mia will send you some reports. If you have questions ask me," he firmly said.  "Sisiw!"  Kumunot ang noo niya. Ayay! Ginalit ko na naman yata.  "H'wag ma-stress. Ang wrinkles," pagbibiro ko pero mas lalo ko yatang ininis dahil bumusangot na ng tuluyan. "Ah... kumusta ang first day, Nathan?" pag-iiba ni Ava sa usapan. Thanks to her.  "Okay lang naman. Wala masyadong ginagawa. Pacute-cute lang," sagot ko sabay halakhak.  Natawa si Ava but Marco did not, kaya shut up na ako. Baka masipa pa ako ng kapatid pabalik sa matres ng nanay ko.  "Since... you are the acting CEO of Montefalco Builders, I hired someone to be your personal assistant." Assistant? Why? I have Chariz already. Iyong bebot na hapit na hapit iyong palda sa pwet. Okay na ako do'n, ah! "Meet Laarni Paña." Lumabas mula sa likod niya ang isang payat na babae, nakasuot ng puting long sleeves shirt at itim na slacks na hapit sa maliliit na mga binti. Ngunit sa kabila ng manipis nitong katawan, she armed with a charismatic eyes, morena skin and an alluring face that even me, it was so impossible to overlook, she embodied the true Filipina beauty. Gusto ko pa naman ang mga morena– except to Fiona. Kahit pure Filipina ito pero maputi ang cool-off girlfriend ko.  "Si Belle, Nathan. I think... you already met her," saad ni Ava.  "Belle?" Belle, Belle, Belle! Oh! Belle! Iyong babaeng parang paniki kung tumili. So, she's my assistant, huh?  I smirked. Pagkakataon nga naman. From being the gardener naging assistant ng isang CEO.  "Hi, Jonathan Montefalco... your boss." Idiniin ko talaga ang dalawang huling salita para mag-sink in sa kanya ang lahat.  Tinanggap niya ang pakikipagkamay ko.  "Call me Belle, Sir." Diniinan niya rin ang huling salita. Ayay! Palaban. Tinaasan pa ako ng kilay. "So, now. Can you excuse me? I need to check my staff," sabi ko. Of course, checking and flirting with my sexy staff.  Papaalis na sana ako nang hinawakan ni Marco ang braso ko. Magkasing-tangkad lang kami ni Marco kaya madali kong siyang naharap. "You are not a supervisor, Nathan. Your duty is on your table. Pag-aralan mong lahat 'yon bago ka makipagharutan sa mga staff ko." Ouch! Grabe naman 'tong si Marco.  Nakita ko ang walang tunog na pagtawa ni Belle.  Tawa-tawa ka pa, ha? Sinamaan ko ang babae ng tingin at ibinalik ang mga mata kay Marco. "Fine," bagsak-balikat na sagot ko.  Susunod na sana si Belle sa akin nang tawagin siya ni Marco. I also stopped pero pinandilatan ako ng kapatid kong masungit. "Fine!" Lumabas na ako ng opisina niya pero naku-curious ako sa pag-uusapan nila.  I hid behind the wall at inawang kaunti ang pinto. Hindi ko sila nakikita pero naririnig ko naman.  "Belle, I want you to keep an eye on Nathan. Lahat ng mga ginagawa niya, report it to me, okay?" bilin ni Marco.  "Copy, Kuya or shall I say, Boss!" masiglang sagot ni Belle. May spy ka pala, ha. Let's see...  Well, catch me if Belle can! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD