"ANG saya mo yata ngayon, Jonathan?" nagtatakang tanong sa akin ni Marco nang pumasok ako sa kanyang opisina. Halata yata ang tuwa sa aking mukha? Well... Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ang panaginip ko ay dahan-dahan na nangyayari? It was really a dream come true! "Well, ang ganda lang ng panaginip ko," nakangiti kong sagot kaya mas lalong kumunot ang noo ni Marco. "Iyong Belle na naman?" Iiling pa niyang kinuha ang inabot kong papeles at saka sinabi, "Ewan ko sa iyo, Jonathan!" Isa-isa niyang pinirmahan ang proposal na ginawa ko habang ako ay lumilipad ang utak. Excited ako mamayang gabi dahil sabi sa akin ni Belle ay magkikita pa kami. Though, she did not say that we will meet tonight pero iyon na iyon. Hindi pa raw iyon ang huling pagkikita namin kaya para sa akin ay a

