Masaya ako para sa kapatid. Masaya ako para sa pag-aayos nilang dalawa ni Ava. Kailangan lang talaga nila ng time at space sa isa’t isa para maging maayos ang lahat. Kailangan lang nilang mag-isip-isip para mas lalo nilang ma-miss ang isa’t isa. Nagmamahalan silang dalawa. Ma-pride nga lang si Marco pero kung tutuusin ay jackpot na masyado dahil tanggap na tanggap ni Ava si Lovie. Iyon naman ang importante. Naging madali ang mga pangyayari. Nag-set up ng surprise proposal si Marco na kahit ako, hindi ko inaasahan ang pagiging korny niya. Saksing-saksi ako kung paano halos ma-dehydrate siya sa sobrang pamamawis dahil sa kaba. Nasabi ko tuloy sa sarili habang pinapanood siya sa monitor na, mabuti nga sa kanya! My brother's love story was like a roller coaster ride. Pati ako ay nahilo

