Ang araw na siguro na ito ang hindi ko kayang harapin. Dalawang exes pa talaga ang makakasama ko sa trabaho– ex ko n si Bernard, at ex-girlfriend ni Jonathan na si Fiona. "Babe, everything will be fine. Fiona is very professional.'" Professional? Gusto ko yatang matawa sa sinasabi nitong si Jonathan. Kung alam niya lang kung paano ako minata ng dati niyang kasintahan. Sobrang plastic pa nitong ai Fiona kaya mas lalong nakaiinis! "Babe?" "I'm okay." May choice pa ba ako kundi maging okay. Mahinang natawa si Nathan at kinuha ang kamay kong nakapatong aa aking kandungan. Pinisil-pisil niya pa ito kaya medyo naging okay na ako. "Ihahatid kita bukas sa site at sasamahan sa magiging opisina mo." Tiningnan ko siya at tipid na ngitian. Kinabukasan nga ay maaga akong sinundo ni N

