"Are you crying?" Bungad na tanong ni Kelvis nang makabalik ako ng kuwarto. Napansin niya agad ang namumugto kong mata. Iniwas ko ang tingin rito sabay iling ng aking ulo. "Nadala lang ako sa pag-acting kanina habang kaharap ang pamilya ko. I'm fine, Kelvis... Kumain ka na. Nagdala ako ng makakain mo." Binigay ko sa kanya ang tray na may lamang pagkain. Mabuti na lang nakadawit pa ako ng pagkain sa kusina bago ako umakyat sa kuwarto. Nagtanong pa nga si Mommy kung hindi pa ba ako na busog doon sa kinakain naming dinner. Bakit daw may pagkain pa akong dala sa kuwarto. I only told her that I only eat a little. Sa kuwarto na ulit ako kakain. Mabuti na lang hindi na naging mausisa si Mommy. Hinayaan niya akong magdala ng pagkain sa kwarto. Maybe she thinks that I need more strength. Mas

