"P-paano'ng...p-paano mo nalaman na anak mo si Debbie?" nanginginig kong tanong saka umatras palayo sa kanya. Tumitig lang ito sa akin gamit ang malamig niyang tingin. He tilted his head once again before shaking it. "Your family told me." Napakunot ako ng noo. Mas lalo akong naguluhan. "W-Wait... is that for real?" Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. I was so shocked, at the same time. Nakaramdam ako ng inis sa magulang ko dahil pinangungunahan nila ang desisyon ko. Sinabihan ko sila na e sekreto nila kay Kelvis ang lahat. Ako ang dapat magsabi sa totoo pero sa bandang huli. They told him the truth. "P-Paano? B-Bakit umabot sa punto na sinabi nila sa'yo na anak mo si Debbie? A-Akala ko ba wala silang kinalaman sa pagtira natin rito sa Isla?" Umigting ang panga ni Kelvis.

