On that night. Natulog kaming dalawa na parang ang gaan ng pakiramdam ko dahil nasabi ko rin sa kanya ang buong nangyari seven years ago. "Matagal na akong binabagabag ng aking isipan kung ano'ng nangyari, Devina? Bakit bigla kang natakot na sumama sa akin noong araw na paalis na tayo papuntang US?" Nanlamig ang mukha ko habang pinakiramdaman ang mga haplos ni Kelvis sa aking balikat. Mainit ang kanyang palad, ang sarap sa pakiramdam. Animo'y humahataw ang puso ko. Nakahiga kami sa malambot na kama. Sobrang dikit naming dalawa. He was hugging me behind. Nakaunan naman ako sa kanyang braso. My face was facing the wall. "Tell me, are you afraid of me?" he whispered. Pikit nang mariin ang mata ko habang pinaghandaan ang gusto kong malaman niya sa totoong nangyari noo . Matagal na panah

