Wala sa sarili akong pumasok sa kuwarto ko nang matapos ako sa lahat ng gawain sa araw na ito. Gusto ko na lang maiyak sa sitwasyon ko ngayon. Ang hirap tumakas, ang hirap magdesisyon ng tama lalo na't naka depende ang dignidad ko kay Kelvis. He has a hard evidence to blackmail me. He has a lot of power to make me feel like some stupid who always does what he wants. Para akong pilay na hirap makalakad kung wala ang saklay. That's what I felt right now. I'm really suffocating. Napipilitan akong gawin ang mga bagay na ayaw ko naman talagang gawin. Dahil sa pananakot niya sa akin. Humiga ako sa kama nang matapos ako sa pagligo. Gabi na ngayon at kailangan kong magpahinga. Buong araw, wala akong ginawa kundi pagsilbihan si Kelvis. Linisin ang bahay niya at lahat ng utos ng lalaking iyon s

