"Mabuti na lang talaga umalis ka na sa lalaking iyon, Devina! Nakakainis talaga! Kung ako pa ang nasa kalagayan mo baka binuhos ko na sa pagmumukha niya ang isang basong tubig nang mahimasmasan siya!" Gigil na gigil ang kaibigan ko na si Lylia habang kweni-kwento ko sa kanya ang nangyaring sagutan namin ni Kelvis kahapon ng umaga. Until now. I'm so very angry at him. Pinipilit ba naman akong paglutuan siya. Over my dead body. Hindi niya ako mapipilit. Kung matigas ang ulo niya mas matigas naman ako. Pagkatapos niya akong sisantehin kahapon, umalis ako ng bahay niya. Hindi naman niya ako pinigilan. Nakita niya pa nga akong bitbit ang suitcase ko. Lahat ng gamit ko sa bahay ni Kelvis, dinala ko. Wala akong iniwan maski kaunting gamit sa sobrang galit ko sa lalaking iyon. Buo na talaga ang

