"Bakit na isipan mong makipag-negosasyon sa lahat ng business ng mga kapatid ko, Kelvis? What is your purpose?" kuryusong tanong ko nang makapunta ako sa kuwarto niya. Pagkatapos kong mahatid si kuya Austine sa gate. Pagkabalik ko sa pool area, wala na siya roon kaya agad ko siyang pinuntahan sa kanyang kuwarto para kausapin tungkol sa plano nito. He was chilling reading a book. Maski tingnan ako habang papasok sa loob ng kanyang kuwarto hindi niya ako binalingan. Mukhang walang pakialam kung may sasabihin man ako. "Leave my room, Devina. Stop nagging me!" he commanded using his emotionless tone. Hindi man lang niya ako magawang tingnan sa kanyang harapan. Namewang ako at frustrated na pinandilatan siya ng mata. "I couldn't believe you. You used your power to manipulate me? Tapos nga

