He frowned in so much anger. Kumuyom ang dalawa niyang kamay. Akmang sasampalin niya ulit pero agad na akong yumuko para hindi ako matamaan ng palad niya. "Tama na, Neilson!" sigaw ko habang humihikbi. Everytime he raised his hands, it traumatized me. Hindi niya tinuloy ang pagsampal sa akin. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa panga ko saka pinisil iyon nang mariin. Sa pilitan niyang inangat ang mukha ko para magtitigan kami. His eyes were burning in madness. Walang awa ang bawat titig niya sa akin. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo, Devina? Nasa paligid ko lang pala ang nakabuntis sa'yo putanginà!" Nanaliksik ang mga titig niya. Wala naman akong magawa kundi ang patuloy na umiiyak. "N-Natatakot lang ako...Akala ko hindi ko na makikita pa si Kelvis pero nangyari

