I'm just hurting myself. Akala ko matapang na akong harapin ang mga sumunod na mangyayari sa pananatili ko sa bahay ni Kelvis. Buong akala ko, kaya ko na... Kaya kong makita si Kelvis na kasama si Carmilla pero hindi pala. Dahil noong nakabalik na ang fiance nito sa Pinas. Dito siya nanatili sa bahay ni Kelvis. At araw-araw pinigilan ko ang naramdaman na huwag magpadala sa mga nakikita ko. "Kelvis, this is the first time you cook for me. Mukhang masarap ang breakfast natin ngayon." "This isn't the first time my love. Have you remembered the last time I cook for you?" "Ohh, yeah. I remembered it now. Masarap din iyon." Mula rito sa living area, dinig ko ang boses ni Carmilla na halata ang tuwa nang pagkapasok niya sa kusina. Nakita niyang nagluluto roon si Kelvis. Nauna akong magisi

