Chapter XIV Jewel's POV "Hmmp" Bumaling ako sa kina-hihigaan ni Tom subalit wala ito. "Hon?" Tawag ko sa kanya at bumangon ako sa pagkakahiga. Tinungo ko ang banyo subalit wala rin, tinungo ko naman ang sala, ngunit wala rin s'ya. "Saan kaya pumunta ang gwapong yun?" Pagtatanong ko sa akin sarili. Bumalik ako sa kwarto n'ya at kinuha ang cell phone para tawagan ko ito. I call him twice, but he didn't answer. Dahil makulit ako, sinubukan ko ulit na tawagan s'ya. And finally, he answer my call. ["Hon?"] Bungad ko sa kanya. ["H-hello, hon? Gising kana pala."] Sagot nito sa kabilang linya, ngunit napansin ko na parang nauutal ito. ["Are you okay? Where are you?"] Salita ko na may halong pag-aalala. ["Yah I'm okay, lumabas lang ako saglit, bumili ng food for us, alam kong gutom ka pag

