Siggy's POV Hindi matanggal-tanggal sa mukha ko ang inis. Kanina pa talaga ako nabubwisit sa Kutong-lupa na 'to. Kalalabas lang namin ng guidance office. Nagkaroon kami ng isang linggo na suspension dahil sa nangyari. Hinayaan ko na lang ang bad record na nangyari. Hindi naman iyon kawalan sa akin. Although it hurts my ego to have a record like that for the first time. Hindi pa ako kailanman nagkaroon ng kaaway sa loob ng school. Siguro dahil na rin sa kasama ako sa LOVERS mula pa noong mga bata kami. Kinatatakutan at iniilagan kami mula noon hanggang ngayon. Dahil ang mga kasamahan ko ay pawang mga anak ng mga mayayamang tao. Nakatayo si Mark sa may gilid ko habang tahimik na nakatanaw sa mga nag-aabang na mga estudyante sa labas. Kahit nagtataka ay hindi ko na lang pinansin ang komosyo

