Sigfried's POV Naniniwala ako sa coincidence at fate. Maraming mga bagay at pangyayari na gusto ko sanang mangyari muli pero alam kong imposible nang mangyari ang mga iyon. Pero sa kabilang banda, naniniwala pa rin ako na darating ang panahon na makikita ko ulit ang isang tao na nagbigay ng pinakamalaking tatak sa buhay ko. Gusto kong maulit ang mga sandali na iyon. Gusto kong makausap siya at bilanging muli ang mga bituin sa langit kasama siya. Darating ang araw na babalik ang lahat ng mga pangyayari na nais kong balik-balikan. Sa tuwing maaalala ko siya, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Gumagaan ang pakiramdam ko at napapawi ang lahat ng pagod ko. Kumusta na kaya siya? Maayos kaya ang kalagayan niya? Sana... may pagkakataon na ibigay ang Diyos para pagtagpuin kaming muli... **** Na

