Chapter Nine

1700 Words
“Bakit naman?” ang tanong ni Christian. Lubos niyang pinagtatakhan ang pagbabawal ni Justin sa hinaharap. “Makinig ka sa akin,” ang wika naman ni Justin. “May mga bagay na hindi ko dapat pakialaman sa nakaraan. Hindi dapat ako nagbalik ngunit tulad nga ng sinabi ko ay ibinigay sa akin ang pagkakataong ito. Lahat ng bagay may kapalit. At lahat ng bagay ay may limitasyon.” “Huh?” ang reaksyon naman ni Christian. “Hindi ko pa rin maintindihan.” “Ang tangi ko lang nais iparating ay… bilang kapalit ng pagbabalik ko rito sa nakaraan, kailangan kong mawala sa buhayn mo, bilang kapalit,” ang dagdag na paliwanag ni Justin. Napasinghap naman si Christian sa kanyang narinig. “Kaya ipangako mo sa akin na hinding-hindi moa ko hahanapin sa hinaharap.” Kahit na masama sa loob ni Christian ay tumango siya. Kapwa naman silang napatahimik nang saktong may paparating na jeepney. “Andiyan na pala ang jeep,” ani ni Christian bago ito pinara. Huminto naman ang jeep sa tapat nila. “Tara na.” Magkasunod naman silang sumakay sa jeep. Huminto muna sila sa pakikipag-usap sa isa’t-isa at . Nagsimulang makinig si Christian ng tugtugin gamit ang kanyang earphones samanatalang si Justin namana y dumungaw sa bintana at pinanood ang sari’t-saring tanawin na kanilang nalalagpasan. Gumaya naman si Christian at napaisip. Gaano nga ba nagbago ang siyudad na kanyang kinalikhan sa panahon ni Justin? May ilang landmark kasi siyang nakita sa daan kaya naman sumagi sa kanyang isipan kung nanatili pa rin ang mga ‘yun pagkalipas ng ilang taon. Pagkatapos ng halos kalahating oras ng biyahe ay nakarating sila sa isang unloading area. “Justin, dito na tayo bumaba,” ang wika ni Christian. Tumango naman si Justin. “Christian,” ang pagtawag ni Justin sa kanya. “Mabuti naman at ‘yan na ang tawag mo sa akin at hindi—” “Ma,” ang wika naman ni Justin kaya naman awtomatikong napasimangot si Christian. Hindi pa kasi siya nasasanay at hindi pa rin siya makapaniwala sa presensya ni Justin. “May naiisip ka na bang gawin?” Napaliling naman si Christian sabay tingin sa paligid. “Tamang-tama,” ang wika ni Justin kaya naman napalingon sa kanya si Christian. “Hamak din lang na ilang lakad na lang ay nasa Burnham Park na tayo,” ang saad niya habang nakatitig sa direksyon kung nasaan ang nasabing parke. “Anong oras mob a gustong manood ng movie?” “Sandali lang, titignan ko ang schedule,” ang tugon ni Christian bago hinugot ang kanyang smart phone mula sa kanyang bulsa at tinignan nga kung anu-anong pelikula ang ipinapalabas ngayon sa sinehan. “Uy!” ang excited namang wika ni Christian habang nakatitig sa kanyang phone. “May horror film na ipapalabas mamayang hapon. “Gusto mo talagang manood ng horror?” ang gulat na reaksyon naman ni Justin. “Oo. Hindi ba sinabi ko naman sa’yo kanina na gustong kong manood,” ang tugon ni Christian. Napakamot naman sa ulo si Justin; hindi naman ito nakatakasa mula sa mga mata ni Christian.  “Teka nga, natatakot ka ba?” ang tanong niya sa kanyang anak sa hinaharap. “H-hindi,” ang nauutal naman niyang tugon. “Wala bang ibang puwede nating mapanood?” “May Romantic Comedy at Science Fiction,” sagot ni Christian.   “Puwede bang yung Science Fiction na lang din ang panoorin natin?” ang suhestyon ni Justin. Natawa naman si Christian. “Anong nakakatawa?” ang nagtataka namang tanong sa kanya ni Justin sabaya kunot ng kanyang noo. “Wala,” ang saad ni Christian. “Napagtanto ko lang na takot ka nga sa horror movies.” “Paano mo naman nasabi?” ang sunod na tanong ni Justin. “Wala naman akong sinasabi.” “Hay naku. Kahit hindi mo naman aminin, halata sa kinikilos mo. Iniiwasan mong mapanood ang pelikulang gusto ko.” “Hindi naman sa iniiwasan ko ang makapanood niyan,” ang pagtatama ni Justin. “Mas gusto ko lang manood ng iba.” “Kasi nga natatakot ka,” ang patuloy na panunukso ni Christian. “Anyway, may oras pa naman para pag-isipan ko ang tungkol diyan.” Napabuntong-hininga naman si Justin at napailing na lamang. “Tara na at maglakad-lakad sa Burnham Park.” “Sige,” ang walang enerhiya namang pagpayag ni Christian. “Oh, bakit ganyan ang reaksyon mo?” ang nagtatakang tanong ni Justin. “Ilang beses ko anng inikot ang Burnham Park,” ang wika naman ni Christian. “Medyo nakakasawa na rin.” “Hindi ‘yan,” ang tugon naman ni Justin. “Kasi kasama mo ang anak mo. Isa pa, gusto kong magkaroon tayo ng mga alala bago ako tuluyang magbalik ng hinaharap.” Natigilan naman si Christian at napatingin kay Justin. Kaagad naman siyang nakaramdam ng kalungkutan. “Ano ba ’yan? Akala ko pa naman, lumabas tayo para magsaya. Hindi pa man tayo nakakapagsimula, pinapalungkot mo na ako.” “Sinasabi ko lang. Isa pa, hindi ka naman na malulungkot kapag naging kayo n ani Jester,” ang wika naman ni Justin bago sinimulang maglakad papalayo. “Huy! Hintayin mo ako,” ang sigaw naman ni Christian bago niya hinabol si Justin at sumabay sa kanyang paglalakad. “Paano mo nga pala balak na pagkitain kami ni Jester?” “Akon a ang bahala diyan,” ang saad naman ni Justin bago ngumiti nang nakakaloko. “Magtiwala ka na lamang sa akin.” “Hindi ko sigurado kung tam aba itong gagawin natin,” komento ni Christian. “At bakit naman hindi?” ang retorikal na tanong ni Justin. “Sa tingin ko ay hindi mo pa napagtatanto kung gaano kalaking bagay ito at kung gaano ka kasuwerte.” “Siguro nga,” ang tugon ni Christian. “Sa dami-rami ng tao sa mundo. Sa kahit na anong panahon, nabigyan ka ng isang bihirang pagkakataon upang baguhin mo ang kurso ng iyong tadhana.” “Kung sa bagay ay may tama ka,” ang tugon naman ni Christian. “Hindi lang ako makapaniwala sa nangyayari… pero sigurado ka ba na… magkakatuluyan kami ni Jester?” “Hindi ako sigurado,” ang tugon naman ni Justin bago natigilan sa paglalakad. Kasalukuyan silang nasa tapat ng gate papasok ng Burnham Park. “Pero wala tayong pagpipilian kundi gawin ang lahat ng ating makakaya para maging successful ang ating misyon.” Napatango naman ako. “Sige, iiwan ko na sa iyong kamay ang lahat.” “Sige,” ang tugon naman ni Justin sabay ngiti. “Sa ngayon, ipagpatuloy na muna natin ang ating family outing,” panunukso niya. “Kulang na lang ay si Jester para kumpleto ang pamilya. Gusto mo ‘yun?” “Ano ba?” ang nahihiyang reaksyon naman ni Christian. “Asus!” “Tara na nga! Saan na nga ba tayo pupunta?” tanong ni Christian sabay tingin sa loob ng gate. Tananw niya mula sa kanyang kinalalagyan ang man made lake. “Wala tayong mapupuntahan kung mananatili tayong nakatayo rito,” ang komento naman ni Justin. Nagsimula naman siyang maglakad. Kaagad namang sumunod si Christian. Sinundan nila ang daan paloob. Kasalukuyan silang nasa parte ng parke na tinatawag na Rose Garden. Kahit na ito ang pangalan ng lugar nay un ay hindi lang mga rosas ang kanilang natatanaw kundi iba’t-ibang uri pa ng mga bulaklak. Hindi naman nakatakas sa kanilang paningin ang dancing fountain sa malapit. “Gusto mo bang kuhanan kita ng larawan?” ang tanong ni Justin kay Christian. Hindi naman siya kaagad nakasagot at napa-isip. “Huwag mo nang pag-isipan pa. Kung gusto mo ay gawin mo lang.” “Hindi ko alam kasi hindi ako photogenic,” ang tugon naman ni Christian. “Sinong nagsabing hindi?” ang tanong ni Justin. “Ako lang,” ang wika ni Christian. “Hidni ko kasi nagugustuhan ang itsura ko sa mga larawan.” “Hindi ang mukha mo o itsura mo ang problema,” ang wika ni Justin bago nagpamewang. “Kundi ang tingin mo sa iyong sarili. Kailangan mong maniwala sa iyong sarili.” “Sige na nga,” ang pagpayag naman ni Christian bago inabot kay Justin ang kanyang smart phone. Pumwesto naman siya sa tabi ng dancing fountain samantalang itinutok naman sa kanya ni Justin ang lente ng camera ng kanyang smart phone. “Nguniti ka naman,” komento ni Justin. “Mukha kang iniwan.” Nagpakita naman si Christian ng isang ngiti. “Ayan, Ganyan nga.” Ilang tunog ng shutter ang narinig ni Christian. “Tama na,” ang pagpigil niya kay Justin. “Ikaw naman.” “Hindi na,” ang pagtanggi naman ni Justin. “Bakit naman?” ang nagtatakang tanong ni Christian. “Sa tingin ko ay mas mabuti nang ganito,” ang wika ni Justin. Hindi na muling humingi si Christian ng paliwanag mula sa lalakeng kasama niya. Sa tingin niya ay mas gusto ni Justin an manatiling misteryo ang pagkatao nito. Panigurado namang may mabigat itong dahilan at hndi naman niya ito lubos na maiintindihan kung itatanong niya pa. Magbibigay din lang ng hindi malinaw na paliwanag si Justin kaya hinayaan niya na lang ito. Ipinagpatuloy naman nila ang paglalakd hanggang sa makarating sila sa man-made lake. “Gusto mo bang sumakay sa bangka?” ang tanong ni Justin sa kanya. Kapwa naman sila napatingin sa isang bangka na hugis gansa. “Hindi ko sigurado,” ang wika naman ni Christian. “Natatakot ako sa tubig. At tsaka hindi ako marunong.” “Ako ang bahala,” ang tugon naman ni Justin. “Isa pa, mayroon namang de pedal.” “Sige,” ang kinakabahan namang pagpayag ni Christian. Lumapit naman Si Justin sa isa sa mga nagbabantay. “Manong, parenta ng isang oras,” ang wika ni Justin. “Ikaw ulit?” ang reaksyon naman ng bantay. Napatingin si Christian at Justin sa isa’t-isa. Bago muling ibinaling ang kanilang tingin sa lalaki. “A-ano pong ibig niyong sabihin?” ang tanong naman ni Christian. “Nag-renta siya ng bangka. Kaalis nga lang, eh,” ang paliwanag ng mama. “Ang bilis mo namang magbihis, hijo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD