CHAPTER 17- SPG

1671 Words

THIRD PERSON'S POV Nang makarating si zephyr sa tapat ng hospital ay patakbo itong pumasok sa loob at agad siyang tumango sa front desk at tinanong ang nurse doon kung nasaan ang kwarto ng Lola niya. " Room 002 po ma'am. " Sagot nito. Hindi na sumagot si zephyr at agad na tumakbo papunta sa kwarto na nasabi nito. Mabilis nitong hinawakan ang handle ng pintuan at tinulak iyon papasok para buksan. Halos manghina ang dalaga ng makita nito ang kanyang Lola na mahimbing na natutulog sa kama ng ospital. " Zeph. " Narinig niyang tawag sa kanya ng nanay nang kanyang kaibigan. Naiiyak na hinarap ni zephyr ang ginang at agad siyang nilapitan ng ginang at niyakap ng mahigpit, niyakap din siya ng dalaga pabalik. " M-maraming salamat po sa pag dala kay Lola dito tita Dez. " Saad ng dalaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD