CHAPTER 01

1391 Words
" HIDDEN DESIRE " ZEPHYR'S POV " Anong meron?" Mahinang tanong ko sa kaibigan kong si Amanda.. Nakita ko kasing maraming estudyanteng nag kukumpulan sa entrance ng school kaya nagtataka naman ako kung bakit nagkaka ganon sila. " Nandyan daw si mayor Velasquez. Kilala mo naman iyon di'ba?" Nananantyang saad nito. Tumango naman ako. Sino ba ang hindi nakakakilala sa Isang Diego Velasquez. Isa sa pinaka maka pangyarihang tao sa buong bansa, isa sa pinaka magaling na abogado at ang napaka gwapong mayor sa lungsod ng glan. " Gwapuha gyud ni mayor uy. ( Ang gwapo talaga ni mayor ) " Rinig kong bulungan ng iilang estudyante. Natawa ako dahil parang hihimatayin na ang iba sa kanila at nakikipag siksikan ka talaga sa madaming tao para makita lang siya. Habang ako ay nakatayo lang sa hindi kalayuan at tahimik na nakamasid sa kanila. Hindi naman ako iyong tipong makikipag siksikan katulad nila para lang makakita ng gwapong nilalang. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang maka akyat na ito sa stage na inihanda para sa kanya. Kasalukuyan kasing may ginaganap na event sa school at invited siya. Kumalma na ang mga estudyanteng naroon at natuon ang atensyon sa stage kung nasaan si mayor Diego. " Pag hinay uy, mataman unya akong tiil." ( Mag dahan-dahan ka baka mamaya maapakan mo Yung paa ko ) "Rinig kong reklamo ng Isa sa tabi ko kaya nilingon ko ito. " Chill lang kasi. " Sagot ng kaibigan nito.. " Good morning everyone." Agad akong napalingon sa stage ng marinig ko ang boses nito. Sa kauna-unahang beses narinig ko siyang mag salita at masarao iyon sa tainga. Lalaking-lalaki ang dating nito maging ang tindig niya ay hindi dapat palampasin ng iyong mga mata dahil magsisisi ka. " Salamat sa imbita ninyo sa akin dito ngayon araw, it's such a big pleasure to be part of this event today. And I'm so thankful for Mr Valdez for inviting me here." Saad niya at sabay lingon sa aming principal.. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapa mangha sa t'wing bubukas ang bibig nito para mag salita at umaawang ang labi ko. Naisip ko tuloy kung anong pakiramdam kapag hinalikan ka ng Isang Mayor Diego Velasquez. Sa t'wing ngumingiti ito pakiramdam ko ay tumitigil ang mundo ko. Nakatitig lang ako sa kanya na parang siya lang ang taong nasa harap ko, dahil bukod sa kanya ay wala na akong ibang makita. Naging malabo lahat ng tao sa paligid nito at siya lang talaga ang nakikita ko. Nag sasalita siya, pero wala akong naririnig, sobrang tahimik ng paligid habang pinapanood ko ito. " HOY!" Natauhan ako sa malakas na paghampas ni Amanda sa balikat ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.. Nginitian niya ako ng nakakaloko habang palipat-lipat ang tingin sa'kin at kay mayor na ngayon ay nag sasalita. " Na love at first sight ka ano?" Nanunuksong saad nito sabay sundot ng tagiliran ko. " Pag hilom uy, madunggan unya ta. ( Tumahimik ka baka makarinig tayo. ) " pabulong kong saad. Mas lalo lang naningkit ang mga mata nito at patuloy sa pag sundot ng tagiliran ko. Kaya inagaw ko ang kamay niya at malakas iyong pinalo. Napangiwi siya sa ginawa ko at agad na hinipan ang kamay niya. " Alam mo ang bigat-bigat talaga ng kamay mo, tingnan mo oh, namumula iyong kamay ko." Reklamo niya at ipinakita sa akin ang kanyang kamay. Natawa ako dahil namumula ng iyon dahil sa pagpalo ko. " Tumahimik ka nalang kasi at makinig nalang tayo. " Saad ko sa kanya at ibinalik ang tingin kay mayor. Nakangiti pa rin ito habang nag sasalita sa harapan ng maraming tao. Halatang sanay na sanay na talaga siya sa ganito. Baka kasi kung ako ang nasa stage at ganito karaning tao ang nanonood sa'kin ay himatayin ako sa nerbyos. " Makinig daw eh tinititigan mo lang naman yang si mayor." Medyo malakas na boses na saad ni Amanda. Kaya hinarap ko ito at hinila ang kanyang buhok. " Kapag talaga na kalbo ako, ililigpit kita." Asik niya sabay hawi ng kamay ko at bahagyang sinipa ang aking hita. " Para kayong nga bata zephyr at Amanda. Nakaka istorbo kayo sa pakikinig namin." Narinig kong angal ng kung sino sa likuran ko. Sabay namin iyong nilingon ni amanda bumusangot ang mukha ko ng makitang si Althea iyon, kaklase naming feeling maganda at ma attitude. Nilingon ko si Amanda at naka taas ang isang kilay nitong nakatingin kay Althea. Maldita din ang isang to palibhasa pareho silang may A sa first name nila. " Paki hanap ng pake ko Althea, darling." Nang aasar na saad ni Amanda. Natawa ako ng makita kong nag salubong ang kilay ni Althea habang nakatingin sa kaibigan ko. " Psst.. baka harangin tayo sa labas ng gate mamaya, bahala ka talaga." Saway ko dito. Naningkit ang kanyang mga mata at plastic na ngumiti sa akin. " Anong silbi nang mabigat mong kamay kung hindi mo gagamitin sa mukha niya?" Bulong niya pero malakas iyon. Tiyak akong narinig ito ni Althea dahil mas lalo lang sumama ang kanyang mukha habang nakatingin sa aming dalawa ni amanda. " Ang childish mo talaga Amanda. Grow up! Hindi kana Bata." Asik ni Althea. Pilit itong nginitian ni Amanda at mas lalo lang utkng napikon. Kahit naman siguro ako kung ako ang nasa posisyon ni Althea ay mapipikon talaga ako sa abnormal na ito, baka nga inupakan ko na. " Sabihin mo iyan sa sarili mo Althea. Ikaw itong hindi lumaki." Sagot ni Amanda at agad na tinalikuran si Althea na ngayon ay umuusok ang ilong sa pagkaka asar. Hinila ako ni amanda paalis sa lugar na iyon at lumipat kami sa medyo malayo. " Buang ka talaga. " Tumatawang saad ko dito. Binitawan niya ang pagkaka hawak niya sa braso ko at diretsyong tumingin sa harapan. " Masyado kasing OA. Kung siya ang mag iingat ay okay lang, tas pag tayo hindi? Ang special niya, hindi naman sobrang ganda." Parang batang saad nito. Napailing nalang ako at muling tumingin sa harapan. " Parang kanina pa nag sasalita si mayor Dyan." Anas ni Amanda at bahagya itong ngumuso. " Okay lang Yan, kesa si Sir Valdez ang mag speech dyan, baka tulog tayong lahat dito. " Sagot ko sa kanya at natawa naman ang loko. " Sana nag enjoy kayong lahat, lalo pa at pang huling taon niyo na ngayon sa senior high school. Pilion niyo lagi ang maging masaya, you guys are aware that college life won't be easy, pero alam ko din na hindi kayo basta-bastang susuko. Finished your studies at abutin niyo ang mga pangarap niyo sa Buhay. Again, thank you for inviting me here tonight and enjoy everyone. " Saad nito at agad na ibinalik sa microphone sa MC. Pinanood ko siyang lumapit sa principal at iilang faculty staff at nakipag kamay. Nag sasalita ang MC, pero hindi ko iyon pinapansin dahil kay mayor lang nakatuon ng tingin ko. " Hindi talaga maitatangging gwapo si mayor, pero wag ka naman sanay obvious zephyr." Saad ni Amanda sa tabi ko at hinila niya ang laylayan ng aking damit. " Istorbo ka talaga ano? I'm enjoy the view Amanda kaya please lang wag mo'kong guluhin." Naka kunot noong saad ko sa kanya. Bahagyang tumagilid ang ulo nito at sinuri ng tingin ang buong mukha ko. " Nakaka-hiya ka alam mo yon? " Hindi makapaniwalang tanong nito. " Pakihanap ng pake ko." Saad ko at inalis sa kanya ang tingin ko. " I can't believe you zephyr. Nakaka-hiya ka talaga, masyado kang obvious. " Pag uulit niya. " Tumigil ka nalang, si principal pagmasdan mo, bagay naman kayong dalawa. " Pang aasar ko sa kanya. Hindi na aiya sumagot kaya hindi na din ako muling nag salita. Nakatingin lang ako sa harapan at pinapanood lahat ng galaw na gagawin niya. Even his small movements gives a different tingling sensation in my system. Maging ako ay natatakot na sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay pinag nanasaan ko si mayor sa paraan palang ng pag tingin ko sa kanya ay parang hinuhuran ko na siya. Malakas kong pinalo ang ulo para magising sa kahibangang iniisip ko. " Kadiri ka self alam mo yun?" Mahinang saad ko sa sarili ko. Ito ba iyong tinatawag nila na lihim na pagnanasa? TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD