Chapter 75 Nirvanna's POV "Huy, okay lang?" untag sa'kin ni Leila habang kumakain kami ng lunch sa pantry ng flower shop. "O-Oo naman." "Sure ka? Kanina ka pa kasi tulala. Halos hindi mo pa nga nagagalaw iyang pagkain mo, oh." Napangiti ako. "Wala 'to. May naisip lang ako." "Sus naman ang ale, wag mo ng idenay. Mukhang may problema ka, eh. May gumugulo diyan sa utak mo." "Wala nga." kaila ko pa rin sabay hagip ng baso para uminom. "Dalawa lang naman ang pwedeng gumulo sa isipan ng tao. Kung hindi datung, pag-ibig! Lalake yan 'no?" Muntik na kong masamid. Paano ba naman tama siya. Lalake nga. Si James Carlo Fortaleza. Siya ang tumatakbo sa isipan ko. Ilang araw na ang nakalipas ng huling kaming nagkita kung saan ibinigay niya sa'kin ang singsing. "K-Kumain ka na nga lang.

