Chapter 55 Nirvanna's POV "P-Paano na ko?" naiiyak na tanong ko kay JC matapos kong ipagtapat ang kalagayan ko. Nagbunga na kasi ang naganap sa'min ng gabing yun. May bata na sa tiyan ko. Umikot kasi ang paningin ko kanina habang nakaduty. Itinakbo ako ng mga kasamahan ko at ng magkamalay na ko sinabi ng doktor na magdadalawang buwan na kong buntis. Pati si Mitch nabuking tuloy ako. Nakakahiya tuloy sa lokang yun. "Ano'ng paano ka? Nandito ko. Hindi mo ba tanggap baby natin?" Bigla akong napahawak sa tiyan ko sa tanong niya. Ayaw ko nga ba sa baby na 'to? Sa anak ko? Sa anak namin? Mariin akong napailing sa tanong niya pagkukwan. "G-Gusto. Nag-aalala lang ako. Hindi ko lang kasi alam kung ano'ng gagawin ko." sagot ko. Napangiti siya at umupo sa tabi ko saka niya hinawaka

