Chapter 65 Makalipas pa ang ilang araw na pagtitiis ko tila dininig din ako ng nasa itaas. "Alcantara laya ka na!" ani PO3 Salvador kaya naman napatayo ako. "P-Paano pong-" "Lalabas ka ba o hindi?" "I-Ito na po." natatarantang sabi ko at pinagkukuha ang ilang kagamitang dala-dala ko. Nakita ko si Nana Karing na naluluhang sumalubong at yumakap sa'kin. "S-Salamat po." "H-Hindi ako ang gumawa ng paraan." "Kung ganun sino po?" "Sumama ka na lang sa'kin sa bahay." Nagpatianod ako kahit nagtataka. "P-Paano po sina Magda? Di ba nandun sila?" "Wala na sila. Umalis na." "Ha?" "Saka ko na ipapaliwanag." Nakarating nga kami sa bahay. At tama si Nana Karing. Walang ang mag-inang kampon ng dilim. "Nandito ang tumulong sa'yo." "Sino po? Nasaan siya?" takang tanong ko. "I'm right he

