Chapter 79 Nirvanna's POV "Pasok." sabi ko ng makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. "Good morning." nakangiting bati ni JC at humalik pa sa pisngi ko. Ang gwapo lang talaga ng loko lalo na kapag gantong nginingitian niya ko! "Good morning." bati ko rin habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng tokador na may salamin. Nakita kong umupo siya sa kama ko. Kinuha ko ang lip gloss ko. "Kailangan mo pa ba talagang pumasok?" tanong pa niya. "Oo naman. Hindi pa naman ako nagreresign, eh." "Eh, di magresign ka na. Kaya naman kitang suportahan..." Napangiti ako at napatayo saka siya nilapitan. Hinagip niya ang bewang ko at pinaupo ako sa kandungan niya. Yumakap ako sa leeg niya. Patagal ng patagal na magkasama kami mas nagiging kumportable ako at ayoko na talagang mahiwalay sa

