Chapter 8
"Yaya? May pagkakataon ba na wala dito si Magda sa bahay?" naisipan kong itanong.
Napaisip ito saglit.
"Kadalasan kapag nagliliwaliw siya sa mall sa bayan para mamili ng mga magagarang damit. Kaya lang walang tiyak na araw iyon kaya mahirap tiyumempo."
Mas nainis siya sa nalaman. Nagagawa pa pala ng Magda na iyon ang magwaldas ng pera? Marahil ay galing iyon sa pinagsanglaan ng lupa!
"Ah kapag araw ng Biyernes!" bulalas pa nito pagkukuwan.
"Ano hong meron kapag araw ng biyernes?"
"Madalas siyang wala sa araw na iyon. Buwenas daw kasi ang araw na iyon para sa kanya kaya naman halos magdamag siya sa casino!"
Napaisip ako.
"Sa araw na yun Nana Karing hahanap tayo ng ebidensiya laban sa kanya." determinadong saad ko.
****
"Yaya may sakit ba si Magda at ang dami niyang gamot?" kunot noong tanong ko habang hawak ang garapon na may mga lamang gamot na nahalungkat ko sa cabinet niya.
Araw ng biyernes kaya itinuloy ko ang plano na maghanap ng ebidensiya sa kanya.
Totoo nga na umaalis ito para magsugal.
Gamit ang duplicate key nabuksan ko ang guest room na inuokupa ni Magda.
Magmula kasi ng magkasakit ang Papa nagpabukod na siya ng kwarto, katwiran niya ay baka mahawa siya.
Kung hindi ba naman gaga at kalahati, nakakahawa ba iyong altapresiyon?
Ang sabihin niya hindi niya talaga mahal ang papa!
Dapat nga ngayong may sakit ito ay mas kailangang nasa tabi siya nito, hindi iyong pinaiiral niya ang kaartehan niya! At nakukuha pang maglamyerda!
Ito namang si Papa pumapayag na lang sa kapritso ng babaeng mangkukulam!
"Wala. Baka naman mga paunang lunas lang yan para sa sipon o ubo?" tugon ni Nana Karing na nagsisilbing look out ko.
"Hindi yaya. Unfamiliar kasi ang mga gamot na ito. Ngayon ko lang ito nakita. Ang mabuti pa kukuha ako ng sample tapos ipasusuri ko sa laboratoryo sa bayan."
Nagmamadali kaming lumabas matapos kong makakuha ng sample at tumungo ako ng bayan para maipasuri ang gamot na iyon.
Ilang araw pa ang hinintayin ko para makuha ang resulta.
Halos manginig ako sa galit sa nalaman ko ng makita ang resulta.
Hindi na ako nagdalawang isip pa para ipadakip sila.
"Ano'ng ibig sabihin nito ha?!" galit na galit na tanong ni Magda habang pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga pulis na isinama ko sa bahay.
Eksakto kasing nasa bahay ang mag-ina kaya naaresto kaagad sila.
"Hindi ka naman siguro tanga para hindi makuha ang ibig sabihin niyan? O hayan!" gigil na turan ko at inihagis sa mukha niya ang papel na nagpapatunay na lason nga ang gamot na nakita ko sa kwarto niya.
"Ano ba! Pakawalan niyo kami! Wag kayong maniwala sa babaeng 'yan! Iplinanta lang niya ang mga gamot na yan sa kwarto ng Mommy ko para mapaalis kami rito!" piglas din ni Drake habang nakaposas.
Napailing ako. Ako pa talaga binaligtad?
"Sige na ho. Dalhin niyo na ang mga kriminal na 'yan."
"Pagsisisihan mo 'to!" nandidilat ang mga matang banta sa'kin ni Magda ng mapatapat siya sa pwesto ko.
"Baka ikaw ang mas dapat na magsisi? Kung ako sa'yo kabahan ka na, dahil tinitiyak ko sa inyong mag-ina na mabubulok kayo sa kulangan!"
"Hindi pa tayo tapos-"
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha niya dahilan para maputol siya.
"Amanos Magda. Goodbye my evil step mother." nakangising paalam ko.
Natanaw ko na lang sila paalis pagkukwan ay isinara ko na ang pintuan.
Kailangan ko na lang pagpaliwanagan si Papa.
Natanggal ko na ang mga anay na sumisira sa relasiyon naming mag-ama.
Rancho na lang ang poproblemahin ko.
****
"Grabe naman mare! Bongga ka! Napatalsik mo ang mag-inang kampon ng kadiliman? Saludo na ko sa'yo!" bulalas ni Mitch ng makabalik ako ng Manila.
"Oo. Kaya lang may problema pa. Iyong rancho. Nakasangla pa rin. Nakipag-ugnayan na ko sa bangko. Nakapagbayad ako kahit papaano. Nabawi ko yung ibang perang pinagsanlaan kina Magda iyon muna ang ginamit ko." tugon ko matapos magsukli sa isang customer.
Kasalukuyang on duty kami sa coffee shop. Ilang araw akong nawala mabuti na lang at mabait ang may ari kaya pinayagan ako.
"Eh ang Papa mo kamusta?"
"Ayun medyo malungkot. Siyempre niloko siya eh. Pinagtangkaan pa yung buhay niya. Pero tinanggap na niya. Actually nagpapalakas na siya para makaakyat siya sa stage at masabitan ako."
"Grabe naman kasi yang mag-inang yan bakit ba kasi nila ginawa yun?"
"Siguro kasi napansin ni Magda na wala na siyang mahihita sa'min. Kaya para mas madali siyang makakawala sa kasal nila ni Papa ayun ang naisip niya."
"Miss black coffee and a slice of black forest cake."
Napatigil kami sa pag-uusap ng marinig ang pamilyar at baritonong tinig na iyon.
Hindi ko alam pero sumikdo ang puso ko ng makitang si JC pala yun.
Ewan pero parang namiss ko siya. Ilang araw ko rin kasi siyang hindi nakita. Parang regular customer na kasi siya rito.
"C-Coming up." tugon ko kaya ginawa na ni Mitch ang order nito.
Nag-abot siya ng pera.
"Ilang araw kang nawala dito? Inaabangan kita palagi."
"P-Po?" natatarantang tanong ko habang hindi magkaintindihan kung paano bibilangin ang sukli niya.
Inaabangan raw niya ko? Pero bakit?
Ngumiti lang siya sa naging reaksiyon ko.
Ngiting mas nagpawala sa t***k ng puso ko.
"Isunod mo na lang yan, saka yung order ko. Salamat." tukoy niya sa sukling binibilang ko pa rin at tumalikod na.
Nasa monitor naman kung magkano ang change niya pero parang nabablock ako!
Nahabol ko na lang siya ng tingin.
"Huy iserve mo na muna 'to. Ang dami ng customer. Late na naman si Archie! Naku talaga ang lalakeng yun!" untag ni Mitch na ang tinutukoy ay ang isa pang bagong barista s***h serbidor din.
Kunsabagay halos pareho-pareho na rin kami ng trabaho rito.
Napansin kong may grupo ng mga teenager na maiingay ang pumasok. Halatang mga estudiyante.
Kinuha ko na iyong order ni JC para mas matulungan si Mitch.
Hindi naman ako nahirapan hanapin kung saan siya nakapwesto.
Nagtaka pa ko ng makitang bahagya siyang nakayuko at nakahawak sa balingusan ng ilong niya habang nakapikit na animo may iniisip.
Ang gwapo niya talaga...
Nataranta ako ng bigla siyang nagmulat ng mata at tumingin sa direksiyon ko.
Parang slow motion pa yung kilos niya sa paningin ko.
Ngumiti siya...
"AY PALAKANG DULING!" tili ko ng masanggi ako ng isang binatilyong nakikipagharutan sa barkada niya.
Tumilapon ang dala ko...
Eksakto sa harap mismo ni JC.
"Aw sht!" napamurang bulalas niya dahil natapon ang mainit na kape sa pantalon niya malapit sa...doon.
Samantalang nalaglag naman ang cake sa sahig.
Nataranta ako.
"S-SIR! Naku sorry po!"
Natigilan ang mga estudiyante at parang mga dagang nagsitakbuhan palabas ng coffee shop at hindi na nagsi-order! Ang kakaras naman kasi!
"Gagawin mo bang hard boiled egg ang kinabukasan ko?!" nakangiwing tanong niya na halatang nasaktan at napatayo na.
Lumabas siya ng coffee shop na sapo iyong...ano niya.
"Vanna habulin mo bilis! Magsorry ka! Saka eto baka makatulong." hagis ni Mitch sa'kin ng isang bulsa de yelo.
Nanakbo ako palabas para sundan si JC.
Yari talaga ako nito!
"S-Sir! Saglit lang po!" tawag ko ng maabutang pasakay na siya ng kotse.
"What?" kalmante niyang tanong.
Di ba dapat galit siya?
Teka bakit parang hindi siya marunong magalit?
"S-Sorry po talaga? Masakit pa po ba? Ito po baka makatulong." tarantang sabi ko at unaware na inilapat sa harapan niya iyong bulsa de yelo.
Makalipas ang ilang saglit nabitawan ko rin iyon dahil narealize ko na parang ang sagwa ng ginawa ko?
Tila amaze rin na napatitig siya sa'kin.
"S-Sorry po ulit..." nag-iinit na ang pisnging paumanhin ko.
Siguro kung may makakakita sa'min sa malayo baka isipin dinakma ko iyong kuwan niya.
"Kanina ka pa sorry ng sorry. Hindi mo naman siguro intensiyon na mailaga yung angry bird ko di ba? Anyway he's okay. Wala naman sigurong nadamage. Feathers lang siguro."
Mas pinamulahan yata ako sa tinuran niya...
Angry bird daw? At feathers?!
Mukhang may pagkapilyo ang isang 'to.
"S-Siguro sir, lapatan niyo na lang din po siya ng kamatis. Ganun po kasi ginagawa ko kapag napapaso ako." pang-iiba ko ng usapan.
Ngumisi siya.
"No need. Kanina pa siya nangangamatis. Mahiyain din kasi siya kapag may nagtatangkang humawak. So for sure nagbablush na siya ngayon na parang kamatis."
"H-Hindi ko naman po hinawakan! Nilapatan ko lang!" depensa ko.
Napahalakhak na siya sa reaksiyon ko kaya naman napakunot noo ako.
Parang ang hilig niya mangtrip?
"Nagbibiro lang ako binibini. Sige na okay lang ako. Balik ka na sa trabaho mo."
"S-Sigurado po kayo?"
"Yes."
"Ah sir?"
"Uhm?" tila malambing niyang tugon kaya naman mas nagpalpitate ang puso ko.
"S-Sana po maging customer pa rin namin kayo. Promise po hindi ko na kayo bubuhusan ng kape."
"Sure. Yun lang pala. Isa pa kung hindi na ko magiging customer niyo that means hindi na kita pwedeng titigan."
"T-Tinititigan niyo po ako?" naguguluhang tanong ko.
Tumango siya.
"B-Bakit po? May dumi ba ko sa mukha?"
Makahulugan siyang ngumiti at humakbang. Bahagya siyang yumuko at mas tinitigan ako. Hindi ko alam pero imbes na umatras tumitig din ako sa kanya. Kung pagbabasehan ang mga mata niya i see fondness. Ewan ko kung guni-guni ko ba yun.
"Dalawa lang naman ang ibig sabihin kapag tumitig sa'yo ang isang tao. It's either may mali sayo or may tama siya sa'yo." tugon niya.
Napipilan ako. Hindi malaman kung anong sasabihin.
"O paano i'll go ahead. Good night binibini." paalam niya at bago pa ko makahuma hinalikan niya ko sa noo.
"Sir?"
"Now we're even. Hinalikan mo kasi ako sa labi. Gumanti lang ako."
Mas naloka ako! Hindi pa pala niya nakakalimutan yun?
Pero ang bait niya...
May pagkapilyo pero magalang rin. Imbes na sa labi, noo ko ang hinalikan niya.
Nang gabing yun, kahit anong tanggi ko, hindi ko maipagkaila sa sarili ko na...I’m starting to like him.