Chapter 51

1124 Words

Chapter 51 2 months later "Mitch okay lang hindi na ko sasabay." sabi ko. "Gaga. Wala pa sundo mo. Ano'ng hindi sasabay baka mamaya niyan mapaano ka na naman-" "N-Nandiyan na kasi ang sundo ko." tango ko sa direksiyon ni JC na eksaktong kabababa lang ng motor. Halos tumalon na palabas ang puso ko nang tanggalin niya ang helmet niya at lumantad ang napakagwapo niyang mukha. Sinabayan pa iyon ng hangin kaya pakiramdam ko ang lakas ng wind effect! "Oh! Kaya naman pala! Sige na nga. Ikaw ha may hindi ka kinukwento sa'kin?" panunukso pa ng bruha sa'kin. "Heh! Mauna ka na nga!" iwas ko. Ilang saglit pa umalis na sila ng boyfriend niya at nilapitan naman ako ni JC. Humalik pa siya sa noo ko. "Tara na?" yakag niya. "Sige." "Mamaya na tayo umuwi." "Ha? Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD