Chapter 77 Nirvanna's POV "JC alis lang ako, may ipapabili ka?" paalam ko sa mokong na abala sa kung anumang tinatrabaho niya sa laptop niya. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Manlalalake..." pigil ang paghagalpak ng tawa na pagbibiro ko. Ewan trip kong mantrip ngayon. Sobrang saya ko lang kasi nitong mga nakaraang araw na kasama ko siya. Kumunot ang noo niya at napatayo sa upuan saka seryoso ang mukhang nilapitan ako. "Nirvanna, kapag ginawa mo yan sinisiguro ko sa'yo pipilipitin ko ang leeg ng lalakeng yun!" Natawa na talaga ako saka ko ipinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya. "Binibiro ka lang. Ipagpapalit ba naman kita?" Sumimangot pa rin siya. "Wag ka kasing magbiro ng ganun. Ang panget na biro." Napalabi ako. "Sorry na. Biro lang talaga. Sa'yo lang ako. Pangako." "T

