Chapter 82 "Nasaan na nga pala si Marli?" naisipan kong itanong. Matagal na rin kasi na nang huli ko siyang makita. "Wala siya rito sa Pilipinas. Nasa U.S. dun daw muna siya. Gusto yata ng tahimik na mundo." "Ha? Sabagay magulo naman talaga dito sa Pilipinas." "Hindi yun. Magulo ang mundo means magulo ang puso. Ayaw niyang magulo ang puso niya kaya nagpapakalayo siya." "Ha? Ang labo?" komento ko. "O diba ang gulo? Haha. Pero kahit nasaan man ang kulot na yun pauuwiin at pauuwiin ko yun para umaattend ng kasal natin. Teka maiba tayo, ilang seminars ba ang pupuntahan natin?" tanong niya kaya napabuklat ako sa bag ko para kunin ang isang notebook kung saan kami nakaschedule. "Baptismal and confirmation certificate. Tapos kukuha pa tayo ng marriage license, canonical license, tapos Cen

