Chapter 60 "P-Paanong-" "Wag mo ng itanong. May paraan kami. Akala mo siguro hindi na tayo magkikita 'no?" putol ni Magda. Paanong nakalabas ang mga kriminal na ito?! "Umalis na kayo!" taboy ko at akmang isasara na ang pintuan ng itulak iyon ng malakas ni Drake. Mabuti na lamang at nakabalanse ako dahil kung hindi'y baka nabuwal na ko at napahamak ang sanggol sa tiyan ko. "Wala ka pa ring kalambing-lambing sa'min Nirvanna. Ganyan ba ang pagsalubong mo sa amin? Hindi mo ba kami namiss?" nakakalokong tanong ng hudas kong step brother at hinaplos pa ang mukha ko. Tinabig ko ang kamay niya at may pandidiring tinitigan siya. "Ano ba'ng kailangan niyo?!" Natawa si Magda sa pagtataray ko. "Alam mo, marami. Kung sisingilin ka namin sa ginawa mong pagpapakulong baka inuuod ka na sa lupa h

