Kabado si Aira habang nag lalakad papasok ng bahay dahil hindi s'ya naka-uwi kagabi 11am na s'yang naka-uwi ang kulit kasi ni Dennis, nilabahan pa nito ang damit n'ya nag amoy fabcon tuloy hindi s'ya puwedeng umuwi na amoy fabcon mahahalata na magkasama silang dalawa dahil sa lahat na yata ng tao sa pilipinas ang mga Lagdameo lang ang gitil na gitil ata sa pag gamit ng fabric conditionaire, sa sobrang lakas gumamit ng mga ito ever since kumapit na ang amoy ng downy sa balat ng buong pamilya nila Dennis. Kaya naman napilitan s'yang labahan ulit at naka ilang banlaw pa s'ya bago tuluyang nawala ang amoy ng downy sa damit n'ya. Nag bangayan pa sila sa pag-uwi n'ya dahil gusto nitong ihatid s'ya pero syempre hindi s'ya pumayag dahil possibleng may makakita sa kanila, ayaw n'yang mag ka proble

