"Muntik na ako maging sashimi kanina sa kitchen sa sama ng tingin sa akin ng baby mo." wika ni Aira habang sakay na sila ng elevator pabalik sa office after nilang maihatid sa labas ang mga nag inspection ng kitchen. "Wag kang mag-alala ako lang naman ang kakain sa'yo." ngisi ni Dennis na sinamaan ng tingin ni Aira. "Alam mo naturingan kang Lagdameo ang basura ang bibig mo, buti na lang mabango ka parang si Tita Dana kundi iisipin ko ipinanganak ka sa canal." natawa naman si Dennis. "Ano bang masamang sinabi ko galit ka nanaman." "Ewan ko sayo 3 weeks na lang naman kitang pag tyatyagaan sige na itodo mo na ang pang momolestya sa akin." malakas naman tumawa si Dennis sa sinabi ng dalaga. "So puwede na natin ituloy yung ginagawa natin tutal ikaw naman ang latest." kindat ni Dennis ng ma

