THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 16
--
A N D R E I
"ANO?!" eksaherada kong sigaw nang malaman ko ang problema nitong si Sir Henry. Shutacca! Ayon sa kaniya, kukunin daw ng mga magulang nang namayapang asawa nito si Senyorito at dadalhin ito sa ibang bansa. "P-Pero, paano po kayo? I mean po, papayag po ba kayo sa plano nila?" dagdag tanong ko.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, dahil kusa ko nang kinuha ang mamahaling wine na ipinakuha nito sa akin at nagsalin sa aking baso. Prente rin akong nakaupo habang kaharap ko sir Sir Henry. Para tuloy akong donya sa mga oras na 'to. Aba, minsan lang 'to kaya nararapat lang na lubos-lubusin ko na. Nang inumin ko ang alak ay agad nanuot sa lalamunan ko ang pait, parang lasa ng tamo-char hindi pa ako nakakatikim nun. Pero sa huli ay may tamis pa rin akong naramdaman. Hindi na rin naman bago sa akin ang lasa ng alak.
Anyways, iyon na nga. Gusto kong malaman dito kung papayag ba siyang kunin ng mga byanan niya ang anak? Kaya nga, nandito pa rin ako't kasama siya dahil gusto kong malaman iyon. Hindi naman sa tsismosa ako, gusto ko lang talagang malaman.
"If that's what they wanted, then I don't have the right to disagree."
Napatayo ako na muntikan pa akong mahulog sa kinauupuan ko. "Eh, ano pang pinoproblema mo kung papayag ka rin pala na kunin nila ang anak mo?!" inis kong sabi. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa pagpipigil. "A-Alam niyo ho bang nasaktan iyong anak niyo sa ginawa ng tatay niyo?"
Hindi ko sana sasabihin iyon pero wala na akong maisip na dahilan para hindi siya pumayag na kunin ng mga byanan niya ang bata. Ramdam ko rin naman kasi na kahit minsan, wala itong pakialam kay Senyorito, ay may pagmamahal pa rin sa kaniyang puso para sa anak. Isa pa, matagal nang hinahangad ni Senyorito ang pagmamahal nito. Kaya alam kong kahit malayo ang loob ng bata sa kaniya, hindi ito papayag na mapalayo sa Daddy niya.
Seryosong napatingin ito sa akin. Kaya bigla akong kinabaha. Baka kasi batuhin ako nito ng hawak niyang wine glass dahil sa pagiging pakealamero ko. 'Wag naman sana. Samapalin na lang niya ako ng jumbo hotdog, matatanggap ko pa, pero ang wine glass? No! No!
"What do you mean?"
Napalunok ako. Bakit ba kasi ang baba ng boses nito? Nakakalibog tuloy. Charut! Ano kaya tunog ng ungol ni sir, 'no?
Hindi na ako nagdalawang isip pa't agad na ikinuwento sa kaniya kung papaano nasasaktan iyong bata nangh ignorahin siya ng sariling ama. Pati ako, nasaktan sa ginawa nito. Bakit hindi man lang ipinagtanggol iyong bata? Bakit parang takot na takot siya sa tatay nito?
"K-Kaya... hindi po sa panghihimasok pero sana, pag-isipan niyo pong mabuti ang desisyon niyo. Alam ko pong mahal niyo rin anak niyo, na ayaw niyo itong mawala sa puder niyo," pagtatapos ko sa aking kuwento.
Napansin ko naman ang pananahimik nito. Tila ba may malalim siyang iniisip. Sir, ako ba iyan? Gusto ko sanang itanong iyon pero hindi ko na ginawa, baka isagot pa niya sa akin na 'Oo, Andrei. Ikaw ang iniisip ko. Iniisip ko kung papaano ko itatago ang bangkay mo kapag napatay kita sa panghihimasok mo sa problema ko.'
"I-I don't know what should I do..." bigla nitong sabi at nagsalin na muna sa kaniyang wine glass at tinunga iyon, ubos agad ang alak sa baso. "I love my son and I don't want to lose him. if only I could stop them. Gagawin ko, para lang hindi nila ilayo si Finley sa akin."
Napangiti ako. Muli akong naupo sa kinauupuan ko kanina. Nakakangalay kayang tumayo ng halos limampung minuto. Saka nanghihina rin ang tuhod ko sa mga ginagawang pagtitig ni Sir. "Alam niyo po. Madali lang naman po iyon..." panimula ko at sinabi ko naman sa kaniya ang naiisip kong plano. Hindi ko alam kung effective iyon pero alam kong sa paraang iyon ay magkakaroon ng ugnayan ang mag-ama.
"But that would be impossible."
"Ano po'ng ibig niyong sabihin? Na hindi eepekto iyong plano ko?' tanong ko. Ang plano ko'y kunin niya ang loob ni Senyorito Finley nang sa ganoon ay makita ng mga byanan nito na may dahilan si sir at ang bata na hindi dapat sila magkahiwalay.
"They told me they would take the child because I can't take care of my son. Gusto nila na magkaroon ako ng bagong asawa para may mag-alaga sa kaniya," sabi nito.
"Eh, kung ganoon po. Maghahanap tayo nang magiging asawa mo!" Seryoso ulit itong tumingin sa akin.
"That would be impossible, too. Hindi madali ang maghanap ng babaeng katulad ng asawa ko."
Ngumisi ako. Mapapa-sana all ka na lang talaga, e ano? "Madali lang po iyon. Mag-omegle po kayo o Grindr." Pero masamang tingin lang ang nakuha kong sagot sa kaniya. "Hehe biro lang, Sir. Pero huwag po kayong mag-aalala, tutulungan ko po kayong makahanap ng babaeng swak sa hotdo – I mean, swak sa panlasa niyo." Kumindat-kindat pa ako na parang tanga.
Gusto ko sana i-volunteer ang sarili ko, kaso naalala kong sa matres pa lang ay talo na kaagad ako. At saka hello! Huwag niyo nga akong turuan nang mga kalandian na 'yan, dahil hindi ako ganyang bakla. Alam kong mas straight pa sa flag pole itong si Sir, kaya alam ko agad kung saan ako nababagay. Doon sa kapatid niyang si Sir Hunter. Puntahan ko kaya?
Umiling-iling na lang siya't walang pasabi na tumayo sa kinauupuan at tinalikuran ako. Aba! Binabastos talaga ako nito. Pero agad din itong tumigil at lumingon sa akin. Kumunot ang noo ko nang may kakaiba sa tingin niya. Alam ko na ang tinging 'yan, iyong tinging may naiisip na hindi magandang plano.
"You'll help me, right?" tanong niya, at walang pag-aalinlangan akong tumango. Naniniwala kasi ako na kapag sisipsip ako kay sir ay baka ipalit niya ako bilang CEO ng kompanya niya. "Then... how about, pretend to be a girl and be my wife?"
Ano raw? Pakiulit! Hindi ko masyadong naitindihan dahil sa naging blanko ang isipan ko sa sinabi nito. Pretend? Magkunwari daw bilang asawa? Sandaliiii! Hindi nag-si-sink sa akin ang lahat. Please, enlighten me with your light saber, sir! I wanted a clear but brief explanation. Char! Nakakapag-english talaga ako kapag naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
"A-Ano po?" mahina kong tanong, kunwari'y hindi ko narinig ang sinabi nito kahit malinaw na malinaw naman ang kaniyang sinabi. "L-Lasing na po ba kayo?"
Tumawa siya at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. Nabigla tuloy ako sa ginawa nito nang hawakan niya ang baba ko't ilapit sa kaniyang mukha. Shutacca, Sir! 'Wag kang gumaganito, baka mauwi tayo sa kama ng hubo't hubad. Ramdam na ramdam ko pa ang hanging ibinubuga ng kaniyang matangos na ilong.
"Konting ayos lang sa 'yo, puwede ka ng maging babae. Why don't you pretend to be my wife?"
Bathala ng mga bakla! Mainggit ka please!