THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 38 A N D R E I –– Pagdating ko sa bahay, lahat ng gamit na makita koʼy tinapon ko lahat. Iyong mga flower vase, binuhat ko paʼt pinagbabasag. Wala akong itinira. Pati mga katulong ay pinalayas ko. Dahil sa galit. Pinaghalong galit at inggit. Kumuha rin ako ng mantika at ibinuhos iyon sa bawat sulok ng bahay at saka ko 'to sinindihan. Chariz! Kailan pa mag-aapoy ang kandilan? Ulo ko lang ang nag-aapoy sa galit. Kung puwede ko nga lang gawin ang mga iyon, e di sana kanina pa sunog itong bahay ni Sir Henry. Pero never, bebs! Hindi pa ako ganoon kasama. Kinikimkim ko na lang ʼyong nararamdaman ko dahil para saan pa? Para saan pa ang galit ko kung alam ko, alam naming dalawa na nagpapanggap lang kami sa harap ng mga magulang niyaʼt byanan? Pagkatapos kong ila

