THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 46 A N D R E I “Ano’ng ginagawa mo rito? In English, what is your doing here?!” taas-kilay kong tanong sa buwakanangshit na ‘to na kay aga-agang pumunta rito sa pamamahay namin. Akala ko ba’y nasa impyerno na ito’t nagpapaalipin kay Satanas? ‘Di ko alam na masama pala siyang damo’t kay tagal mamatay. Napapa-english tuloy ako dahil sa kaniya. Baka gusto pa nitong mamura ng ‘damn’ ‘fck’ at ‘s**t?’ o ‘di naman kaya’y ‘tangina’ na pinakamalutong sa lahat? “Andre—“ “’Wag na ‘wag mo ‘kong matawag-tawag na Andrei!” inis kong sabi at saka isasara na sana ang pinto ng aming palasyo nang may isa na namang nakakarinding boses akong narinig. “Bakla!” sigaw nito’t dali-dali lumapit sa harapan ng aming bahay, katabi nito ang hayop. Tumaas ang kilay ko nang siya’y tumin

