Doc. Lissette's point of view Napatingin ako sa salamin at napatingin sa aking kabuoan wala pa naman akong kulubot sa aking katawan but I am 38 years old now. Lahat ng mga ka batch ko ay may pamilya na. Ang unang at nag-iisang ex boyfriend ko ay masaya na rin sa kanyang batang asawa. My parents pushing me so hard para mag-asawa na rin, kung sino-sino nalang ang nakaka blind date ko. Lahat sila ay mahangin at iyon ang kinaiinisan ko. Tatandang dalaga na lang siguro akong ganito ang buhay. Work and home nalang ang routine sa buhay. Nag ring ang aking telepono at sa hospital na pinagtratrabahuan ko. Sinagot ko agad ito at pinapapaunta ako doon. Kahit tinatamad pa ako ay mabilis nalang nagbihis. Mamayang gabi pa ang duty ko at mag alas onse palang ng umaga. Pagkatapos kong kumain ay gumawa

