Chapter 1

1214 Words
✈︎Aquarius' Point Of View✈︎ "Aquarius, sigurado ka na ba dito sa gagawin mo?" Nag aalalang tanong nang bartender na nasa harapan ko. "David, dalawang buwan na akong nagpa practice tapos ngayon mo lang sasabihin sa akin 'yan?" Naka kunot ang noo 'kong sabi sa kaniya at nag order pa nang dalawang bote nang vodka. "Alam ko, alam ko. But I'm really worried. Hindi ganoon ka simple ang nais mong gawin. You're planning to crash a wedding, for crying out loud!" Madiin ngunit pabulong na sabi nito sa akin saka iginala ang tingin sa mga katabing stool kung may nakarinig sa amin. Yep! I'm planning to crash a wedding. My name is Aquarius Hydria Watanabe Densil, a very very pretty human being but isn't pretty enough to be married to the man of my dreams. I'm twenty five years of age, and is currently living the hellish life of one sidedly loving a man, who's already getting married, tomorrow. Tanginang ka swertehan ko naman sa buhay oh. "Hindi na magbabago ang isip ko, David. I'll crash that wedding. Kahit pa walang maging kabuluhan ang gagawin ko bukas, I'll still try. Bahala na si batman sa akin." Medyo natatawa kong ani saka tumungga mula sa mismong bote nang iniinom kong alak. "Tama na nga 'yan, Aqua! You've already drank too much!" Pag awat nito sa akin saka pilit na inaabot ang hawak hawak kong bote. Agad naman akong lumayo sa kaniya at itinaas ang hawak kong bote para hindi nya maabot. Unfortunately, he's taller and the bar counter is really not that high kaya naman ay naabot nya parin ito mula sa pagkakahawak ko. "Daviiiid! Give that back! You aho!" Pagmamaktol ko saka pilit inaabot sa kaniya ang bote na iniinom ko. I leaned over the coumter to get it from him but he suddenly turned his back on me and took a few steps away. "Hoy, ano bang problema mo! Di ka ba tinuruan nang parents mo to not make talikod to someone na nagta talk with you?" Konyo kong ani dahil may tama na ako. Kanina pa akong hapon umiinom dito sa bar na pinagta trabahuhan ni David. At ngayon ay halos magha hating gabi na, umiinom parin ako. It's actually a surprise that I'm still able to speak and stand. Siguro tumaas na alcohol tolerance ko kakainom this past few months. I chuckled to myself. "Haharap lang ako uli sa'yo kapag inayos mo yung upo mo. Wag ka nang yuyuko! And what's with that outfit, Aqua? You're driving me nuts!" Medyo pagalit at may diin na ani nito habang nakatalikod parin sa akin. Napa awang ang bibig ko saka naman ako dahan dahang bumalik sa pagkaka upo ko nang maayos sa stool. Napayuko naman ako saka tinignan ang suot ko saka ngumuso. "My clothes are just fine naman ah." Medyo mahina at busangot kong ani sa kaniya. Dahan dahan itong pumihit papaharap sa akin saka ako sinamaan nang tingin. "Anong maayos? Eh halos makita na ang kaluluwa mo sa suot mo! Hontōni, what am I going to do with you?" Really. Parang hirap na hirap na ito sa sitwasyon nya habang nakatingin sa akin. Umirap na lamang ako sa kaniya saka inagaw ulit ang bote na iniinom ko kanina. David Sato has been my bestfriend since college. We actually became friends because of a mutual understanding between us. Half the university population seems to want to date me, he was the only one unfazed by my charms and he himself is a chick magnet and he just can't stand it. I on the other hand, doesn't see him as someone I should flirt with and that made him want to befriend me. Hanggang sa lumipas na ang mga taon, we became inseperable. "Wala ka lang sense of fashion, ulol ka." Pang aasar ko dito kahit medyo nahihilo na ako kakainom. "Aqua, may I remind you na kitang kita ang mukha ko sa buong kahabaan nang EDSA?" Pagyayabang nito saka kumuha nang isang shot glass at nilagyan iyon nang alak saka inabot sa katabi ko. "Sorry, hindi ko nakikita eh. Natatabunan ata nang mukha ni Aristotle." Pang aasar ko sa kaniya at muling uminom. Kitang kita ang pag asim nang mukha nya kaya naman ay tuluyan na akong natawa. Aristotle Iver Perez is one of the most famous businessman in our circle and is also a well known personality in the modeling industry. He's also the man I love. The man who's getting married tomorrow. "Tumayo ka na nga dyan. Out ko na. Hintayin mo ako, sasamahan na kita pauwi." Busangot na sabi nito saka iniwan ako dahil magbibihis na daw ito para maka uwi na kami. While waiting for him, patuloy lamang ako sa pagtungga sa bote nang vodka na iniinom ko. Hindi alintana ang sakit sa lalamunan at ang maingay na paligid. "You know, a pretty girl shouldn't drink like that." Napalingon ako sa tabi ko at nakitang may isang lalake ang naka upo sa stool at nakatingin sa akin. Pinaningkitan ko ito nang mata dahil nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko na makita nang malinaw ang itsura nito. But heck, his voice sounds sexy. "Who are you? Why is your face blurry?" Tanong ko dito saka tinuro ang mukha nito. Pakinig kong mahina itong tumawa kaya naman ay napangiti ako. Even his laugh sounds sexy. "Hmm. I'm just someone concerned about why is a pretty girl getting this drunk alone here at the bar." May bahid nang panunuya ang pagkasabi nito sa mga salitang kaniyang binitawan. Mas lalo kong pinaningkit ang mga mata ko dahil mas lalong nanlalabo ang paningin ko. Medyo dumukwang ako papalapit sa kaniya sa pagbabakasakaling luminaw ang paningin ko at makita ko ang mukha nya nang malinaw. "Woah, there pretty little lady. What are you doing?" Natatawang ani nito saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at iniayos ako nang upo. Hindi ko napigilan ang sarili kong amuyin sya nang mapalapit ako sa kaniya. "You smell good. You sound sexy and your laugh is also sexy. But why can't I see your face?" Busangot kong ani saka nag pout. Pumikit pikit ako sa pagbabakasakaling lilinaw ang paningin ko pero wala parin. Muli ay mahina nanamang tumawa ang lalakeng nasa harapan ko at dumukwang papalapit sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. "Heyyyy, what did you do that for?" Parang bata kong ani saka pinag krus ang mga braso ko sa dibdib ko. He just chuckled at patted my head saka tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa stool sa tabi ko. "You're cute. See you when I see you, pretty little lady." Huling sabi nito saka naglakad na papalayo sa akin. Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay kilala ko yung lalakeng iyon. Pakiramdam ko narinig ko na yung boses nya noon. Pero 'di ko nakita mukha nya eh, so I don't know who he is. Sayang, ang sexy pamandin nang boses. Ang tagal naman ni David. Naiihi na ako, eh. Patuloy lang ako sa pagtungga sa bote habang hinihintay si David hanggang sa hindi ko na nakayanan ang unti unting pagsasara nang mga mata ko. I ended up falling asleep at the bar counter dahil sa sobrang kalasingan. Stupid David. Ang tagal tagal kasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD