Leia's Pov Tulad ng sabi ko kina Nathan at Shawn ay kikilalanin namin ang mag-ina niya ngayon. He wanted Katerina to be with his side forever, then without hesitation I'll grant his request. Magkasama kaming lahat magkakaibigan, including our kids. So ibig sabihin, kompleto kaming lahat. Alalang alala pa nga si Shawn dahil baka daw matakot ang mga tao dahil lahat ng Royalties at Elementalists ay kasama. Kasalukuyan kaming naglalakbay ngayon papunta sa Elemental Forest. Medyo malayo pa ang ilalakbay namin dahil napakalawak ng magix at nasa sentro ang Elemental Forest. "Mom, matagal pa ba tayo makakarating doon?" Ani Kath, tinitigan ko ito at nginitian. Nate, as always, ay tahimik lang habang nakatingin sa labas ng bintana. "Medyo malayo pa. Bakit? Nahihilo ka ba?" Umiling ito bilang sa

