Leia's Pov 6:30 na ng gabi at nandito parin ako sa secret place ko nang may naramdaman akong presensya. Binalewala ko lang ito nung una kaso habang papalapit ako sa puno na parati kong inaakyatan ay parang mas lumalakas ang presensyang nararamdaman ko. Kaya itinago ko ang aura ko at hinanap siya, kaso ilang minuto na ang lumipas nararamdaman kong nandyan parin siya at nagtatago lang sa mga anino kaya hindi na ako nagdalawang isip at iniharap ko siya dahil kapag nagtagal pa siya dito ay posibleng maraming mga estudyante ang masasaktan. "Magpakita ka na! Kung ayaw mong masaktan" sa pagsabi ko nun ay nagpakita din na din siya. He is wearing a black cloak na hindi tinatakpan ng kanyang mukha kaya talagang makikita mo ang kanyang kakisigan. He looks familiar though, parang may kahawig siya, h

