Katerina's Pov Hindi ko mapigilang mapangiti nang matingnan ko ang aking kabuoan sa salamin. Hindi ko inakalang darating ang pagkakataong ito sa buhay ko. Nagsimula ang lahat nang nakatanggap ako ng mensahe galing kay ina. Sinabi niyang naghahanda na ang mga ito sa digmaan at nangangailangan ng dagdag tulong. Yes, I went there but my reasons weren't the same. It was a selfish reason, gusto kong tumakas kami ni ina ngunit masyado siyang tapat sa hari't reyna kaya hindi natuloy ang plano. Wala akong magawa kundi sumama sa digmaan, ngunit sa digmaang iyon ay namatay ang aking ina. Sa awa ng mga diyos at diyosa ay buhay parin ako, ngunit may nakita akong lalaking nakahandusay sa lupa at halos maligo na ito sa sariling dugo. Inakala kong patay na ito ngunit laking gulat ko nang gumalaw ang da

