Leia's Pov *ching* *ching* Tunog ng mga espada at pana ang naririnig ko kahit saan sa akademya, lahat ng mga estudyante ay nag-eensayo at naghahanda para sa nalalapit na digmaan. "Elemental ball!" Sigaw ko at pinatamaan si Klare, kami dalawa ang kasalukuyang naglalaban ngayon habang ang iba naman ay nagkanya kanya ng kanilang mga gagawin. Mabilis niyang nailagan ang atake ko kaya't gumawa ulit ako ng isa, mahina lamang iyon na atake. I only used 10% of my magix dahil ensayo pa naman ito, dahil kung ginamit ko ang kalahati ng magix ko ay malamang sa malamang baka kanina pa nakahilatay si Klare sa sahig. Sa aming lahat magkakaibigan, si Klare ang wala pa masyadong karanasan pagdating sa paggamit ng mahika, hindi niya pa masyadong nagagamit sa tama ang kanyang magix, kaya nagpresenta ako

