Hindi ko alam kung paano aangal sa sinabi ni papa. I gulped at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Uh oh! Tell them! Tell theeem! Nawalan ng lakas ang mga kamay ko na nakayakap kanina sa kaniya. Unti-unti itong bumaba. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tila umatras ng bonggang-bongga yung lakas ko. "A-Agatha? You okay?" ani mama na narinig kong nagsalita sa likuran ko. Humakbang ito papalapit saakin at hinimas ang likod ko. "Iha? What happened?" Nabara ang lalamunan ko. Paano ako magsisimula? Ugh! Napatingin agad ako kay mama at saka ko binalik kay papa na mukhang naguhuluhan sa inaakto ko. Kanina, I'm very happy. But now?! Oh gosh. Paano? Pero kung hindi ko ipapaalam sakanila 'to, paniguradong masasaktan ko na naman si Colton. Marami na siyang na-isakripisyo for me, its time for

