Colton's POV Sobrang sakit. Sobrang sakit na parang dinudurog at may pumipilipit sa puso ko. Hindi ko kakayanin 'to. Baka mabaliw ako! "B-Bro... Balak mo bang magpakamatay ha? Tatlong araw ka nang umiinom. Ni hindi ko nga alam kung may ibang pagkain pa bang laman 'yang tyan mo o alak na talaga 'yan?" ani Kent. Isa sa mga kaibigan ko dito sa Isla. Mabilis niyang inagaw saakin ang bote na hawak ko. Siya ang may-ari ng bar dito kaya naman halos dito na ako tumira simula ng umuwi ako. I never felt this kind of pain ever since. Siguro nga at tinamaan na ako ni kupido. But if he really hit me, then why should I need to feel this pain? Hindi ba ako dapat maging masaya? Umasa pa naman ako na kapag umuwi ako ay matutuwa siya pero apat na salita ang inasahan ko sa kaniya. The wedding is off! Tan

