CHAPTER 45 MALAKAS ANG t***k ng puso ni Marra habang naglalakad sila ni Harra patungo sa meeting room. Mula nang mabalitaan niya ang kumalat na larawan nila ni Max noong nagdaang gabi ay hindi na siya napalagay pa. Kaagad siyang gumayak para naman sabay silang pumasok ni Harra dahil gusto daw sila makausap ng CEO. Ayon sa kapatid niya ay taps nito kausapin si Max ngunit nandoon pa rin ito sa meeting room kasama ang buong grupo ng Diamond13. “Relax ka lang, ate,” ani Harra sa kaniya. Hindi siya kumibo. Habang papunta sila rito ay nag-isip siya kung ano angd apat niyang gawin upang mailigtas si Max at ang grupo nito. Na kung may kailangan man siyang gawin, ano iyon? Kung sakaling malaman niya, kaya niya bang gawin? “Noona!” tawag sa kaniya ni Zane nang lumabas ito ng mee

