AMILYN Nalaman ko ang pag dalaw nila Nanay at tito Ronald kila Ate Via kaya naman pagka-uwi na pagka-uwi ko galing school ng friday, sa mansion na nila Kuya Vince ako agad pumunta. Mula nang magkabalikan kasi si Nanay at Tito Ronald, sa Cebu na laging naka base ang aming ina. Nagsama na sila at nagpakasal. Napakabait ni tito Ronald. Saksi kami na tunay ngang mahal na mahal niya si Nanay. Mahal na mahal niya si Ate. Mahal na mahal niya rin kami. And I think, deserved naman ng nanay namin na muling lumigaya dahil kita namin na mahal din niya si Tito Ronald. Deserved nilang dalawa ang isat isa kaya wala sa amin ni Kuya or sa aming magkakapatid ang tumutol nang magpasaya ang dalawa na magpakasal. Parang tunay na mga anak nga ang turing sa amin ni Tito Ronald. Pero siyempre, hindi

