KLIENT “Papunta na kami riyan, make sure na nakahanda na ang mga kakailanganin namin sa gala,” ang usap ko sa hotel manager ni Kuya Kiel. May idaraos kasi doon na gala kung saan magkikita rin kami ng dalawang bagong malalaking investors ko at plano ko sanang pumunta kasama si Amilyn. “Sir, narito nga po pala at naka-check in ang daddy niyo pati ang mga Ramirez kasama si Ma’am Eloida.” Ang balita niyang kinagulat ko. Napalunok ako ng sunod sunod. Ang alam ko kasi wala pa ito sa Pilipinas at medyo matagal tagal pa ang balik ni Eloaida. May ilang buwan pa pero bakit napaaga? Kinabahan ako. I have no choice, kailangan kong iwan si Amilyn sa unit namin. Ayaw ko man madamay si Amilyn sa gulong meron ako, pero alam kong imposible iyon. Pero hindi ko naman kayang pigilan ang damdamin ko

