AMILYN Pumayag nga si Klient na makabalik na ako ng apartment ko. Pero ilang tauhan naman ang nilagay niya para magbantay sa akin. Kanina pa seryoso ang mukha niya habang kinakausap ang mga tauhan niya. Nakapamewang pa siya. Hindi ko inaasahan na kukuha pa talaga siya ng tauhan para lang magbantay sa akin. Narinig ko pa ang mahigpit na bilin niya sa kanila. “Huwag na huwag niyong hahayaan yun na makalapit kay Amilyn, kapag nagpumilit. Banatan niyo, wala akong pakialam. Basagin niyo ang mukha nang madala,” seryoso niyang sabi. Napaawang ang mga labi ko at hindi makapaniwala sa narinig. Really?! Kaya niyang mang utos ng ganun? Kaya niyang makapanakit ng ibang tao nang hindi man lang kakikitaan ng pagkaalangan at pagkabagabag? Nakaramdam ako ng pinaghalong pag-aalala at matinding ini

