AMILYN Nang mahimasmasan ako sa pagkabigla, ay doon ko pa lamang naisipang tawagan si Kuya Kiel. Dahil kung sa tikbalang lang din na ito ako magtratrabaho ay di bali na lang. Magkukulong na lang ako sa apartment ko. “Tatawagan si Kuya Kiel, ang alam ko kasi sa kaniya ako magtratrabaho at hindi saiyo,” nakasimangot ko nang sabi. Nagmamadali kong hinanap ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag na dala ko. Habang ko sa sulok ng aking mga mata ang pagtayo niya mula sa swivel chair. Nasa bulsa pa ng slack pants na suot ang isang palad niya. May anagas na naglakad siya papunta sa harap ng mesa, umupo sa edge at humalukipkip habang pinanonood ako. Napairap ako sa hangin nang masamyo ko ang pamilyar na panlalaking pabango na gamit niya. Nang magtama ang mga mata namin agad akong umiwas.

